PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actor Shido Roxas reacts to his viral lumunok blooper in Wish Ko Lang

"Kayo na lang po ang wag huminga at gumalaw ng 2 mins."
by James Patrick Anarcon
Published Aug 25, 2021
Nakarating na sa aktor na si Shido Roxas ang pagba-viral ng kanyang eksena sa Wish Ko Lang! kung saan iniiyakan siya ni Christopher de Leon (kanan). Patay na ang karakter ni Shido sa eksena pero nahuli sa kamera ang kanyang paglunok, na hindi nakaligtas sa mga mapagmatyag na manonood.
PHOTO/S: @shidoboy on Instagram / Wish Ko Lang

May reaksiyon ang aktor na si Shido Roxas sa nag-viral niyang eksena sa Wish Ko Lang!

Noong Linggo, August 22, nag-viral ang isang tweet ng netizen sa Twitter kung saan naka-post ang two-second clip ng Wish Ko Lang!

Makikita rito si Shido, na gumaganap bilang patay habang iniiyakan siya ni Christopher de Leon, na gumanap bilang kanyang lover.

Napansin ng netizens ang paglunok ni Shido habang gumaganap na patay sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong hapon, August 25, tila aware na si Shido na naging viral ang kanyang eksena at ipinost ang isang screenshot ng artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Sabi niya sa kanyang post, "Kayo na lang po ang wag huminga at gumalaw ng 2 mins [peace emoji] [hug emoji]."

Shido Roxas

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umani ng iba't ibang reaksiyon ang viral clip na ito ni Shido.

Kabilang sa mga reaksiyon ang sinasabi ng ibang netizens na sana ay kumuha na lang ng ibang anggulo para naiwasan sanang nakita ang paglunok ni Shido.

May ilang netizens din na binuhay ang viral na blooper sa FPJ's Ang Probinsyano kung saan nahuling nagkamot ng ilong ang isang bangkay sa eksena.

Si Shido ay nakilala sa 2018 movie na Rainbow's Sunset. Naging bahagi rin siya ng teleseryeng Love Thy Woman at iWant TFC series na Beauty Queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakarating na sa aktor na si Shido Roxas ang pagba-viral ng kanyang eksena sa Wish Ko Lang! kung saan iniiyakan siya ni Christopher de Leon (kanan). Patay na ang karakter ni Shido sa eksena pero nahuli sa kamera ang kanyang paglunok, na hindi nakaligtas sa mga mapagmatyag na manonood.
PHOTO/S: @shidoboy on Instagram / Wish Ko Lang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results