Cassy Legaspi on Darren Espanto: "We're both very special to each other."

by Rachelle Siazon
Sep 8, 2021
Asked about real score with Darren Espanto, Cassy Legaspi says they're very special to each other and that he does fit the bill of her ideal guy.
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto Instagram

Inamin ni Cassy Legaspi na malapit talaga sila sa isa't isa ni Darren Espanto.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napakanta pa si Cassy ng "She's my sunshine in the rain..."

Lyrics iyon sa kantang "Lemonade" ng American singer na si Jeremy Passion, at siya ring kanta na dine-dedicate ni Darren kay Cassy.

Inalam ng PEP.ph kung ano ang pakiramdam ni Cassy nang sabihin ni Darren sa kanyang "There's no one else on earth that is like you."

"D" ang tawag ni Cassy kay Darren.

Ano nga bang meron sila?

Napapangiting paliwanag ni Cassy: "Kami ni D, we're really, really close. It's hard to explain...

"And, uhm... I don't know how to say this, but we're both very special to each other.

"Siyempre, I was, like, 'Awww... Thanks, D. Thanks for that.' It's a huge compliment.

"I dont know, parang, we're just really close. I don't even know what to say. We're just close."

Continue reading below ↓

MAVY'S TAKE ON CASSY AND DARREN'S CLOSENESS

Kasamang nainterbyu ng PEP editorial team at ilan pang representatives ng Summit websites ang magkapatid na Cassy at Mavy.

Tinulungan ni Mavy si Cassy na ipaliwanag na malinaw kina Cassy at Darren na hindi nagmamadali ang mga ito pagdating sa usaping puso.

Sabi ni Mavy sa PEP.ph: "I think, as being close to D, both of them are in such good highs basically in their respective careers.

"Si Cassy, she just ended with First Yaya and she got good reception from that, so there's that fire to keep going, di ba? I guess that's where the career kicks in.

"On D, I also know his music career is booming. He just launched himself as Darren, he has that thing going on. We know that also.

"I guess, there's that fact in your life where you can just enjoy each other's company, and then the rest will just flow. But the career is there."

Continue reading below ↓

Sang-ayon ni Cassy, "Yeah."

Iisa ang sirkulo ng barkada nila kaya alam ni Mavy ang mga nagaganap, at kung minsan ay siya pa ang nangunguna sa panunukso kina Cassy at Darren.

Dagdag ni Mavy, "I can speak for both of them and me."

Tinanong ng PEP.ph kung boto si Mavy kay Darren sakaling mapunta sa mas malalim na relasyon ang ugnayan nina Cassy at Darren.

Sagot ni Mavy: "For me, especially I have close guy friends, any from them puwede, kasi hindi ako nagpi-friend ng may masamang ugali.

"Everyone is imperfect in their own ways, but you'll know if there's someone na talagang masamang ugali, I wouldn't associate myself with them.

"But all my friends na guys, they're very good guys.

"Like what I said, Darren is a very good friend of mine, so I wouldn't mind.

"But then again, like what I said, in terms of relationship, 'Sige, court her. But once the gate opens, naku..."

Continue reading below ↓

Napapangiting singit ni Cassy, "Andiyan na yung pamilya ko, so good luck. Wow!"

HOT STORIES

CASSY'S IDEAL GUY

Tila malaki ang pag-asa ni Darren sakaling ligawan niya si Cassy dahil taglay ng Kapamilya singer ang mga katangiang hinahanap ng dalaga sa kanyang future boyfriend.

Noong huling bahagi ng Hulyo, inamin ni Cassy na gusto niya ng singer-dancer, singkit, matangkad, at chinito na boyfriend.

Kausap noon ni Cassy ang ABS-CBN resident director na si Cathy Garcia-Molina via Zoom call, at nakikinig naman si Darren via video call mula sa telepono ng director.

Tinutukso na noon si Cassy kung si Darren ba ang tinutukoy niya, pero walang direktang sagot ang dalaga.

Kaya tinanong ng PEP.ph kung si Darren ay swak ba sa ideal guy niya.

Sagot ni Cassy, "No kasi parang may fast talk. I don't know, yun talaga ang type ko."

Sabay pag-amin ng dalaga tungkol kay Darren, "I guess!"

Dagdag niya uli, "But that's just generic type ko. Who doesn't want a singer-dancer? Who doesn't want matangkad? Who doesn't want chinito? Hahaha! Ewan ko na... Hahaha!"

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay ayaw na makialam ni Mavy kung anuman ang nilalaman ng puso ni Cassy.

Kakatwang hirit ni Mavy, "Talk to them. Not me. Magsalita ka lang diyan."

CASSY ON BEING OPEN TO HER MOM CARMINA

Sa huli, nabanggit ng PEP.ph na malinaw na bukas si Cassy na pag-usapan ang pagkakaugnay niya kay Darren sa harap ng kanyang ina na si Carmina Villarroel.

Noong magkakausap kasi sina Direk Cathy, Cassy, Darren, at isa pang ka-Zoom noon na kaibigan nilang si Kyle Echarri ay biglang sumilip si Carmina.

Kaya narinig ni Carmina ang usapan tungkol sa ideal guy ni Cassy.

Sabi ni Cassy sa PEP.ph, "Yeah, my mom and I, we always make chika-chika. Like, if it's about boys, lahat, anything!

"I'm very comfortable with my mom. Hindi naman ako takot or something."

Sang-ayon ni Mavy, "Yeah, I think kasi in every day setting ganun naman."

Tugma naman ito sa sinabi ni Carmina sa vlog nito noong August 21.

Continue reading below ↓

Kilala raw niya si Darren na malapit na kaibigan nina Cassy at Mavy. Inilarawan pa ni Carmina si Darren na "good boy" bukod sa pagiging magaling na singer.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asked about real score with Darren Espanto, Cassy Legaspi says they're very special to each other and that he does fit the bill of her ideal guy.
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results