PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

RR Enriquez criticized for defending Gerald’s statement on Julia

RR's comment backfires after commenting about Gerald's statement on Julia.
by Bernie V. Franco
Published Aug 27, 2021
Netizens grill RR Enriquez (left) for defending Gerald Anderson, who said he is not rushing to marry Julia Barretto. Netizens criticize RR, who is living together with PBA player Jayjay Helterbrand but are not married.
PHOTO/S: Facebook (RR Enriquez) / @vinymalism via @andersongeraldjr on Instagram

Pinuna ng netizens si RR Enriquez na kasalanan daw ang ginagawa niyang pakikipag-live in sa longtime boyfriend nitong si JayJay Helterbrand.

Ito ay matapos sumawsaw ni RR sa pahayag ni Gerald Anderson na gusto na niyang pakasalan ang girlfriend nitong si Julia Barretto.

Sa virtual interview ni Boy Abunda kasama si Gerald noong August 20, sinabi ng aktor na naniniwala siyang si Julia na ang kanyang “The One.”

Kung siya lang ang masusunod, gusto na raw ni Gerald pakasalan si Julia. Pero alam niyang marami pang plano si Julia sa kanyang showbiz career.

Marami ang nagkomento, at ang iba ay pinagdudahan ang sinabi ni Gerald na sigurado na siya kay Julia.

Sumakay rin sa isyu si RR at ipinagtanggol si Gerald.

RR DEFENDS GERALD

Sa kanyang Instagram post, mariing sinabi ni RR na “makikisawsaw” na siya sa isyu tungkol sa pahayag ni Gerald.

Sabi ni RR, walang masama sa sinabi ng Kapamilya actor—seryoso siya kay Julia pero hahayaan muna niya ang girlfriend na unahin ang kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puno ng laughing with tears emojis ang pahayag ni RR, indikasyong katuwaan lamang ang kanyang pakikisawsaw sa isyu.

Sabi ni RR (published as is), “Gosh tigilan nyo kaka bash kay Gerald [laughing with tears emoji]

“Wala namang masama sa sinabi ni Gerald. Wala din naman sya sinabi na ayaw nya pakasalan si Julia. He’s just being wise sa decision nya!

“Julia is still young. Madami pa talaga sya iooffer sa industriya. Sayang din yung opportunity.

“Ito din yung time na dapat ini enjoy lang muna nila yung relationship nila as boyfriend and girlfriend.

“Ilang years pa lang ba sila at bakit gusto nyo ikasal na sila??? [laughing with tears emoji],” hirit ng sexy actress.

Naniniwala raw si RR na hindi kasal ang sagot para tumagal ang isang pagsasama.

Ginawa pa niyang halimbawa ang sarili dahil 12 years na sila ng ka-live-in na basketball player, si Jayjay Helterbrand, pero matibay pa rin daw ang pagsasama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako nga 38 na at si frog [Jayjay] 45 pero wala kami ka plan plan [laughing with tears emojis].

“Pero mas tumagal pa relasyon namin sa ibang nagpakasal [laughing with tears emoji] Ehem proud 12 years [heart emoji]," pagmamalaki niya.

Sabi pa ni RR, “Yung iba kasi akala nila solusyon palagi ang kasal!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang kasal ang mag di define sa pagkatao mo! Tapos ending ang dami nagpakasal na nag hiwalay. Or kasal nga pero mga miserable ang buhay mag asawa.

“Sobrang dami nagdi divorce ngayon. Why? Isa sa dahilan mga nagmamadali magpakasal. Yung grabe mag plan ng wedding pero hindi naplano yung word na marriage!”

Ayon pa kay RR, mayroon din namang mga kasal na nagtatagal, pero mas marami ang mga mag-asawang naghihiwalay.

“Kaya hayaan natin yung tao, if he doesn’t want go get married for now huwag natin sya pakialamanan,” sabi ng former actress.

“So you see, huwag natin gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao. Or minahal tayo ng tao.

"Dahil sa panahahon ngayon, traffic na lang sa edsa ang tumatagal. CHAR”

RR CRITICIZED FOR HER LIVE-IN SET-UP

Nag-backfire kay RR ang pahayag niyang ito.

Hindi raw magandang ehemplo ang ipinapakita ni RR na pumayag sa live-in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalanan daw ang ginagawa ni RR dahil pumayag siya sa pre-marital sex na isang “sin.”

Nakipagsagutan si RR at ipinagtanggol ang sarili.

Banat ng isang netizen, walang problema kung hindi pa kasal sina Gerald at Julia dahil hindi naman sila nagli-live in. At ibinaling ang isyu sa pakikipag-live in ni RR kay Jayjay.

Hirit ng netizen (published as is): “Pero po yung sainyo ok lang po ba na hindi pa kayo kasal but you are living in together na po, not married yet having pre marital sex.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Segunda ng isa pang netizen: “Nagbibible study pa sila. Alam nila ang utos ng Diyos.

“And if marriage is not the goal, why would you stay? Hindi lang dapat ‘mag jowa lang for life’.”

Matapang ang sagot ni RR. Huwag daw siyang husgahan dahil hindi nila alam ang kanyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagiging judgmental daw ay kasalanan din, gaya ng pre-marital sex.

Komento ni RR: "Maghanap ka sa bible ng bawal ang live in. Pero hindi ko ija justify yan.

“Don’t judge kapag hindi nyo alam ang buong story [smile emoji]

“Anong malay nyo kung nagpa practice sila ng abstinence?

“Kaya huwag masyado mag judge ha?

“At huwag gamitin palagi ang bible para lang maka judge [laughing with sweat emoji]

"Alam ko ang judgemental same as sin din yan sa nakikipag sex [thinking and crazy emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang netizen ang nagkomento at ikinatwiran na ang pagli-live in ay nagdudulot ng “sexual immorality because of temptation.”

May binanggit pang Bible verse ang netizen na kailangan ay humanap ng asawa ang isang tao para maiwasan ang "sexual immorality.”

Personal na banat ni RR sa netizen: “Balikan mo ako if hindi ka nagsisin kahit kahapon because everyday nag sisin tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot uli ang netizen at nilinaw na hindi niya sinasabing hindi siya nagkakasala. Nag-sorry ito kay RR.

Sinabi ni RR na hindi siya galit at alam niya kung paano ibalik ang pagpuna sa kanya ng ibang tao.

Malaman din ang hirit ng isa pang netizen. Sabi nito, bakit hindi pa pinapakasalan ni Jayjay si RR kahit ang tagal na nilang magkarelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni RR: “Baka ang tanong bakit ayaw ko sya pakasalan? Ang lagay lalaki lang ang may karapatan magpakasal?”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens grill RR Enriquez (left) for defending Gerald Anderson, who said he is not rushing to marry Julia Barretto. Netizens criticize RR, who is living together with PBA player Jayjay Helterbrand but are not married.
PHOTO/S: Facebook (RR Enriquez) / @vinymalism via @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results