PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson shows HHWW video with girlfriend Julia Barretto 

Fans get thrilled with Gerald and Julia's sweet moments in Clark.
by Rachelle Siazon
Published Aug 27, 2021
Unbothered by persistent intrigues? Gerald Anderson brings girlfriend Julia Barretto to a groundbreaking event at Philippine Coast Guard's office in Clark, Pampanga. Gerald promoted his new vlog after reposting
PHOTO/S: OTH / @andersongeraldjr / CTTO juralds.babylove.fanpage

Kung may intriga mang nauugnay kay Gerald Anderson, tila deadma ang Kapamilya actor.

Noong Huwebes, August 26, ni-repost ni Gerald ang screenshot ng kanyang fist bump na may nakasulat na murang "T*** ***."

Kuha iyon sa kanyang eksena sa On The Job, ang pinagbidahan niyang pelikula noong 2013.

Sa eksena ay mapapamura ang karakter ni Gerald habang kakuwentuhan niya si Joel Torre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang screenshot ay galing sa fan account na sumusuporta kay Gerald at siya ring nagtatanggol sa kontrobersiyang naiiugnay ng ibang netizens sa aktor.

May fans na nagsasabing bagay raw itong patama sa nang-iintriga kay Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sakto rin namang malapit nang ipalabas ang sequel ng On The Job, ang On The Job: Missing 8, kunsaan kasama pa rin si Gerald.

SWEET MOMENTS WITH JULIA

Kung anu't ano man, bukod sa pagiging abala sa mga proyekto niya ay malinaw na masaya si Gerald sa kanyang love life.

Nitong Biyernes, Agosto 27, ipinakita ni Gerald na isinama niya ang girlfriend na si Julia Barretto sa Clark, Pampanga.

Dumalo sila sa groundbreaking ng itatayong K-9 unit facility para sa Philippine Coast Guard office roon.

Prinomote ni Gerald sa kanyang Instagram ang vlog na tumagal ng halos 10 minuto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makikitang magkahawak-kamay ang magkasintahan habang nakikipag-usap si Gerald sa Philippine Coast Guard officers.

Ipinakilala rin ni Gerald si Julia sa mga tagaroon at masiglang nakipag-fist bump si Julia sa mga ito.

Makikitang kahit may kausap na ibang tao ay magiliw sa pag-alalay si Gerald sa nobya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isang punto pang tinanong niya si Julia kung gusto nito ng maiinom.

Nang papunta pa lang sila sa Clark, sakay ng kotse, ay masayang nagkakantahan pa ang dalawa, habang nasa backseat ang personal assistant ni Gerald na si Jalal.

Nang pauwi na sila, kinumusta ni Gerald si Julia. Natuwa naman daw ang dalaga dahil sa may mga bago siyang nakilalang mga tao sa event.

SUPPORTIVE MESSAGES FROM FANS

Sa Instagram post ni Gerald, marami sa mga tagasuporta nila ni Julia ang masayang makitang going strong ang couple.

Nagpaalala rin silang huwag nang pansinin nina Gerald at Julia ang bashers na panay ang pukol ng batikos sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng iba, mukhang "unbothered" sina Julia at Gerald sa anumang negang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unbothered by persistent intrigues? Gerald Anderson brings girlfriend Julia Barretto to a groundbreaking event at Philippine Coast Guard's office in Clark, Pampanga. Gerald promoted his new vlog after reposting
PHOTO/S: OTH / @andersongeraldjr / CTTO juralds.babylove.fanpage
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results