PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eric Fructuoso reveals separation from wife

"Nung nag-separate kami, 2 to 3 months in and out ako ng mga murang hotel."
by Rachelle Siazon
Published Sep 5, 2021
Eric Fructuoso on how he dealt with breakup with wife of 16 years: "Nung nag-separate kami, two to three months in and out ako ng mga murang hotel. Dala ko lagi mga maleta ko kung saan ako pumunta. Biruin mo, minsan mag-taping ako sa Quezon City tapos mag-check-in ako sa Alabang para malapit ako sa mom, kasi umaasa pa ako."

Inamin ni Eric Fructuoso na hiwalay na sila ng non-showbiz wife niyang si Gian.

Nangyari iyon noong panahong abala siya sa ABS-CBN afternoon drama series na Kadenang Ginto, na umere noong 2018 hanggang February 2020.

May apat na anak sina Eric at Gian.

Noong September 2019 ay naiulat pa ang masaya nilang buhay mag-asawa sa loob ng 16 taon.

Sabi ni Eric tungkol sa paghihiwalay nila ni Gian: "Sabi niya sa akin, pareho kaming hindi pa mature.

"Dun ako medyo na... Sino ba nagma-mature? Ako nga, 44 years old, pag tinanong mo, 'Kailan ka nag-mature?' 'Kanina lang.'"

Hindi raw agad natanggap ni Eric kung anuman ang naging pagkukulang niya sa relasyon nilang mag-asawa.

"Nung nag-separate kami, two to three months in and out ako ng mga murang hotel.

"Dala ko lagi mga maleta ko kung saan ako pumunta. Nung time na yun, wala akong kotse.

"Biruin mo, minsan mag-taping ako sa Quezon City tapos mag-check-in ako sa Alabang para malapit ako sa mom, kasi umaasa pa ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ito ni Eric sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz na umere sa YouTube vlog nito noong September 4.

NO PERMANENT ADDRESS for a time

Wala agad nahanap na tirahan si Eric.

Kaya may panahong nakitira muna siya sa kaibigang si Arnel Cowley. Si Arnel ay ang nabiyudong asawa ng aktres na si Isabel Granada.

"Nung nahiwalay ako, tumira ako palipat-lipat. Hanggang sabi ng kumpare ko, 'Brother, why don't you stay with me?'

"Wala rin ako kasama, which is yung asawa niya si Isabel Granada. Magkasama kami, pero yun nga lang, natutulog ako sa sahig.

"It was hard. Going through a separation, magigising ka natutulog ka sa sahig."

Lumipat daw si Eric nang makakita ng maliit na tirahan na rerentahan niya, bago nakahanap ng mas malaking bahay na nirerentahan kunsaan puwede siyang bisitahin ng mga anak pag Pasko.

Doon daw nakapag-isip-isip si Eric tungkol sa mga pagkakamali niya noon.

"Nung nandun ako, lahat ng questions ko, 'Bakit ganun? Anong nangyari?' Sabi ko, 'Wala naman ako kasalanan.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kada salita ko, bumabalik sa akin.

"Ganito pala yung mga nakukulong, lumalabas, nagbago kasi na-realize nila yung sarili nilang mali.

"Walang ibang tao nagsasabi na, 'Hindi, okay lang 'yan. Hindi, mali 'yan.'

"Na-realize ko, ang tanga ko pala. Mali ako dito. Dun unti-unti umayos buhay ko talaga.

"This was the time na hindi ako makapag-provide sa pamilya ko. Dahil sarado istasyon natin."

Ang tinutukoy ni Eric ay ang kawalan ng prangkisa ng kinabibilangan niyang network, ang ABS-CBN.

Isa rin si Mark Herras sa mga taong nakasama ni Eric noong panahong nagsisimula siya muli.

Naging kapitbahay niya ang Kapuso actor nang lumipat siya ng panibagong apartment kunsaan nakatira siya hanggang kasalukuyan.

Magkatapat ang mga bahay nila.

"Naging kapitbahay ko si Mark Herras. Sobrang thankful ako sa kanya, sa wife niya.

"Tatawagan ka, 'Kain ka dito. Baka lumamig na pagkain...' Naging close ako... This was the start of the pandemic."

FIXING WHAT'S WRONG IN HIS LIFE

Hanggang sa inayos ni Eric ang sarili at mga prayoridad niya sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi raw siya ng palugit sa asawa na isang taon siyang hindi makakapagbigay ng pera para sa apat nilang anak, para magamit niya ang tirang pera para magnegosyo.

Mula sa pagbebenta ng shirt at cap merchandise, unti-unti ay nakapagpundar siya ng shop para sa mga gamit sa motor.

Natuwa rin si Eric sa sarili dahil kaya na niyang tustusan muli ang pangangailangan ng mga anak.

"Yung feeling na dati, wala ka. Ngayon, maglalabas ka ng pera...

"Ang sarap ng feeling lahat ng ginagawa mo para sa anak mo, hindi yung para sa iyo."

Napagtanto rin daw niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng relasyon sa Diyos.

"He will provide no matter what. Buong pandemic, wala ako inutangan," saad ni Eric.

NOT IN A RELATIONSHIP RIGHT NOW

Bagamat prayoridad niya ang mga anak sa ngayon, tingin ni Eric ay wala nang pag-asang magbalikan sila ng kanyang asawa.

Nagkaroon siya ng bagong karelasyon, pero naghiwalay rin daw sila kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, naniniwala si Eric na hindi niya na kayang makahanap ng katuwang sa buhay.

"Once ko lang naramdaman sa babae yung siya yung gusto ko makita paggising ko, siya yung kayakap ko...

"Sa isa ko lang na-experience, na di ko na makita sa iba."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Fructuoso on how he dealt with breakup with wife of 16 years: "Nung nag-separate kami, two to three months in and out ako ng mga murang hotel. Dala ko lagi mga maleta ko kung saan ako pumunta. Biruin mo, minsan mag-taping ako sa Quezon City tapos mag-check-in ako sa Alabang para malapit ako sa mom, kasi umaasa pa ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results