Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang mga walang modong bashers na pinupuntirya ang relasyon nila ni Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero.
Kaugnay ito ng kumalat na TikTok video ni Heart na nakasuot ng bikini at nagtatampisaw sa tabing-dagat.
Hinangaan nila ang seksing pangangatawan ni Heart.
Sabay hinusguhan ng mga ito kung bakit wala pa raw anak ang mag-asawa higit anim na taon mula nang sila ay makasal.


Hindi pa nakuntento ang bashers dahil mahalay rin ang iba pa nilang komento patungkol sa aktres.


Isang female netizen ang nanggalaiti sa below-the-belt comments ng bashers ni Heart.
Bahagi ng tweet ng netizen (published as is), "Violent reminder that a woman's body does not exist to create children NOR TO BE OWNED BY HER HUSBAND.
"No woman is any less because she's unable to bear a child."

HEART RESPONDS TO HER BASHERS
Nakarating ito kay Heart ngayong Lunes, Setyembre 6.
Ni-repost iyon ni Heart at sinabing tantanan na siya ng bashers na panay ang tirada dahil hindi pa siya nabubuntis.
Tweet ng Kapuso actress (published as is): "Ok na sana lahat. stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me.
"Nobody knows the real struggle
"Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive. it's my body."

Hindi raw niya maintindihan kung bakit pinapalabas ng iba na hindi siya kuntento sa buhay niya ngayon.
Tweet pa ni Heart (published as is): "I’m not mad just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya.
"I am already a happy person and grateful tama na ang pressure.
"Inspire each other nalang tayo."

Kung inggit man ang pinanggagalingan ng tirada sa kanya, saad ni Heart, "Wag kayo magalala nobody has a perfect life… my life is far from that."
WHAT KEEPS HEART BUSY
Si Heart ay masaya sa takbo ng kanyang career, mapa-sa larangan ng showbiz o sa kanyang passion projects.
Nakatakdang ipalabas sa GMA-7 ang prime-time series niyang I Left My Heart In Sorsogon.
Kakagaling lang niya ng U.S. para sa art collab nila ng Incubus singer na si Brandon Boyd at pagdalo niya sa for-VIP-members-only excusive event ng Vogue 100.
Bukas sa pagsasabi ang mister ni Heart na si Chiz na suportado nito ang career ng aktres.
May quality time din ang mag-asawa tulad ng pagbabakasyon nila sa Boracay kamakailan.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
