Makahulugan ang post ni LJ Reyes nitong weekend na may kinalaman sa matagumpay na pagsasama.
Wala mang tinukoy si LJ kung para saan ang kanyang mga post, public knowledge ang recent breakup nila ni Paolo Contis matapos ang anim na taong relasyon.
Nasa New York ngayon si LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki, 11, at Summer, 2 anyos.
Si Aki ay anak ng aktres sa dating boyfriend na si Paulo Avelino, at si Summer ay anak niya kay Paolo.
Nitong Linggo, September 5, nag-post si LJ ng isang Biblical scripture.
Sabi rito, kung hindi Diyos ang nasa sentro ng relasyon ay hindi magtatagumpay ang isang pagsasama.
Ito ang screenshot ng post ni LJ: “Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain. Unless the Lord watches over the city, the guards stand watch in vain. –Psalms 127:1”
Sumunod dito ay dalawang screenshots ng devotional na nagpapaliwanag tungkol sa Bible verse na ipinost ng Kapuso actress.
Sa unang screenshot, ipinaliwanag ang kahalagahan ng paglalagay sa Diyos sa sentro para maging matiwasay ang isang pagsasama.
“Let God build your family. Let God build your career. Let God build every aspect of your life," sabi sa screenshot.
Sa pangalawang screenshot, ipinaliliwanag ditong lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may dahilan. Na hindi isang pagkakamali kung mayroon mang pinagdadaanan ang isang tao.
“You are not a mistake. You are not a failure. You are not a mistake. God planted you in this span of time to give Him Glory.”
Sa dulo ng devotional, nanghihimok itong isuko ang lahat sa Diyos.

Bago ito, ang huling Instagram post ni LJ, na isang promotion ng isang podukto, ay noon pang August 27, 2021.
Nagsalita si LJ tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo kay Boy Abunda noong September 1, 2021.
PAOLO, YEN QUIET ON SOCIAL MEDIA
Sa kabilang banda, ang huling post naman ni Paolo ay noon pang August 18, 2021.
Production photo ito ng latest film niya, ang A Faraway Land, kung saan katambal niya si Yen Santos.
Ang huling post na ito ni Paolo ay tumaon din nang napaulat ang pag-“zero following” niya at pagbura ng mga larawan ni LJ.
Dito rin nagsimula ang usap-usapang hiwalay na sina Paolo at LJ.
Bagamat tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang huling mag-post si Paolo, patuloy ang pagkokomento ng netizens.
Karamihan dito ay pagbatikos kay Paolo, at pagbato ng mga akusasyon sa kanya dahil sa paghihiwalay nila ni LJ.
Umabot na sa higit sa 2,500 ang comments ng netizens.
Sa kanyang verified Facebook page, ang huling post ni Paolo ay noon pang August 20. Promotion din ito ng pelikula nila ni Yen.
Hinihintay pa rin ngayon ang pagsasalita ni Paolo kaugnay ng kontrobersiya.
Gaya ni Paolo, ang nali-link ngayon sa kanyang si Yen ay noong August 18 din ang pinakahuling post sa Instagram.
Promotional pic din ito ng pelikula nila ni Paolo.
Pero sa kabila nito, patuloy rin ang pagdami ng comments sa last post na ito ni Yen.
At katulad ng kay Paolo, marami ang batikos at akusasyon kay Yen.
Higit 7,700 na ang comments ng netizens.
Dalawang tao lang ang sinagot ni Yen sa post na iyon three weeks ago.
Isa ay ang aktor na si Hero Angeles na nakasama niya sa Kapamilya teleseryeng Halik (2018-2019).
Ang isa pa ay may Instagram handle name na @kebs_ o "Kevin," na nakasama ni Yen sa Faroe Islands, Denmark, nang i-shoot ang pelikula nila ni Paolo noong nakaraang taon.
Mahihinuhang kasama sa production team si "Kevin."
Binati nina Hero at Kevin si Yen sa pelikula. Sinagot naman sila ni Yen na may kasama pang heart emojis.


Two days ago, may isang basher na nagkomento sa previous Instagram post ni Kevin kasama si Yen at iba pang members ng production team ng A Faraway Place.
Sabi ng basher: “THIS WHOLE GANG DESERVES TO DIE. HAHAHAHA”
Buwelta ni Kevin: "ayy wow. Deserve mo mabuhay ah? Haha”

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Yen kaugnay ng akusasyong siya umano ang third party sa hiwalayang LJ at Paolo.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
