Lumaki raw si Regine Velasquez, 51, na sinasabihan siyang "pangit" o kaya ay "hindi kagandahan."
Diretsahan din siyang sinasabihan noong malabo siyang sumikat dahil "hindi siya masyadong maganda” at “maputi lang.”
Tinanggap daw ng Asia’s Songbird ang mga puna sa kanyang hitsura, pero sa simula’t sapul ay alam niyang mahusay siya sa pagkanta.
Teenager lamang noon si Regine.
Nagsimula ang lahat para sa kanya nang manalo siya sa Ang Bagong Kampeon ng RPN-9 noong 1984.
“Kasi nung ‘80s, I was starting, and people know that I can sing.
“But they didn’t really think na I’d make it kasi hindi ako masyadong maganda.
“Yung parang ganun, hindi ako kagandahan… ‘yan ang laging feedback sa akin,” kuwento ni Regine sa Zoom interview sa kanya ni Bianca Gonzalez noong August 23.
Bukod sa pagpuna sa kanyang hitsura, hindi rin bilib ang mga kritiko ni Regine noon sa singing style niya.
“Parang, ‘Yeah, magaling siyang kumanta,’ pero first of all, parang hindi uso yung sound ko.
“May mga belter na nun, pero they’re in a totally different league and I was trying to target a different kind of audience.
“'Yon yung ano sa ‘kin, parang, ‘Hindi siya masyadong maganda. So, baka hindi siya sumikat. Maputi lang.’”
Pagbabalik-tanaw pa ni Regine, “And I was told to my face, ha... Sinasabihan talaga ako, ‘Hmmm… baka hindi ka masyadong [sumikat] kasi hindi ka masyadong maganda. Siguro dapat mag-ayos ka pa.’
“I’ve always heard that when I was a little girl. I’ve always thought that I was not pretty because I was told I was ugly.”
REGINE’S MOTIVATION
Hindi naman daw nakaramdam ng insecurity si Regine kahit madalas siyang masabihan ng ganoon ng ibang tao.
Tinanggap daw niyang hindi siya maganda, pero alam niya sa kanyang puso na may talent siya sa pagkanta.
“I accepted that that’s a fact kasi sila yung tumitingin, e.
“So, I thought it was a fact… that I’m not pretty, that I was ugly.
“But in my head, iba yung sinasabi ng ulo ko. Parang sinasabi ng ulo ko, ‘Wait ‘til you hear me sing.’
“I always have that confidence with my voice.
“Okay lang if you think I’m ugly. You don’t have to look at me. But wait ‘til you hear me sing.
“It was always like that.”
Bukod pa rito, numero unong tagapagtanggol niya noon ang yumaong ama na si Mang Gerardo "Gerry" Velasquez.
“Kasi my father would always have this way of making me feel confident about myself.
“Lalo na pag madidinig niya sa harap ko na sasabihan akong pangit.
“Sabihan niya yung tao, ‘Kung pangit ang anak ko, ano ka pa?’ That’s why I never got insecure about my appearance.
“Naging challenge… ‘Hindi ka sisikat kasi pangit ka.’ ‘Talaga ba? Let’s see. Gagalingan ko pa.’”
Nang unti-unti nang sumisikat si Regine, inaral niya ang kanyang pananamit at look.
Bumibili siya ng pang-one year na mga outfit kapag pumupunta siya sa Amerika.
“Ayoko nang may katerno ako, lalo na sa clothes,” ani Regine.
Hindi rin daw siya basta-basta nagpapa-makeup noon. Siya mismo ang gumagawa ng kanyang makeup.
“So, medyo hindi na ‘ko nasasabihan na pangit ako. Inaral ko talaga kung paano ko gagawin.”
Tatlumpu’t limang taon nang nasa showbiz industry si Regine, na kinikilala bilang isa sa pinakasikat na female singers sa bansa.
Bukod sa pagkanta, tumawid din siya sa acting at pati na rin sa hosting.
Lumipat si Regine sa ABS-CBN noong October 2018, matapos ang dalawang dekadang pananatili sa GMA-7.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
