May ibinahaging inspirational message si Angel Locsin sa kanyang Instagram ngayong araw, September 8.
Ito ay tungkol sa kahalagahan ng healthcare workers sa gitna ng hinaharap na pagsubok ng mga tao dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Angel, nakikisimpatiya siya sa mga taong hindi mapuntahan nang personal ang mga kamag-anak at kapamilya na nakikipaglaban sa virus.
Umaasa ang aktres na malampasan ng mga ito ang nararamdama nilang pangungulila.
Mensahe ni Angel, “To those who can’t go & console family & friends fighting their battles alone.
"I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through.”
Napagtanto raw ng bagong kasal na aktres na ang mundo ay maaaring mabuhay kahit walang mga pulitiko, mga negosyante, pulisya, at kahit daw mga artistang tulad niya.
Ngunit hindi raw ito makaka-survive kung walang healthcare workers lalo na ngayong may health crisis sa mundo.
Saad pa ng actress-philanthropist, “This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me.
“but the world can never work without health workers.
"Again, thank you for all that you do. Sending everyone strength, hope, and love."
View this post on Instagram
Maraming celebrity friends ni Angel ang nag-iwan ng heart emojis sa kanyang post.
Kabilang sa kanila sina Dimples Romana, Iza Calzado, Arci Muñoz, Tim Yap, Pocholo Barretto, at Agot Isidro.

Hinahangaan ng maraming netizens si Angel dahil sa kanyang tahimik na pagtulong sa mga nangangailangan na hindi ipinagsisigawan pa sa social media.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
