PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo Dominic Roque viral face-swap TikTok video

"Who's the prettiest of them all?"
by Bernie V. Franco
Published Sep 11, 2021
Bea Alonzo submits her entry to the viral face-swap TikTok dance video challenge, featuring her boyfriend Dominic Roque (inset). Find out Dominic's reaction.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Hindi nagpahuli si Bea Alonzo sa viral face-swap TikTok video na kinagigiliwan ngayon ng netizens, maging ilang celebrities.

Ang napagdiskitahan ni Bea ay walang iba kundi ang boyfriend niyang si Dominic Roque.

Ang viral Tiktok video ay ang short dance video ni Andrea Brillantes sa saliw ng pop song na “You And Me” ng American singer-songwriter na si Marc E. Bassy at Austin Ong.

Naging viral ang TikTok video dahil sinu-swap ng netizens ang mukha nila—o kung sinuman ang gustuhin nila—sa mukha ni Andrea.

Kaliwa’t kanan ang pag-swap at pag-upload ng netizens na nakatuwaang sikat na TikTok video.

Hindi rin nagpahuli sa uso ang mga sikat na personalidad.

Pinag-usapan pa nga si Paulo Avelino dahil na-swap din ang mukha niya sa TikTok video. Maraming netizens ang namangha raw sa ganda ni Paulo.

Kahit si Luis Manzano ay hindi nagpahuli at nag-swap din ng mukha niya sa video at in-upload ito sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Luis Manzano and Paulo Avelino jump on the viral TikTok video bandwagon

DOMINIC’S REACTION

Hindi nakaligtas si Dominic matapos i-swap ang kanyang mukha sa TikTok video.

Halatang naaliw si Bea rito. Naka-tag si Dominic at ganito ang caption ni Bea, “Pero mas maganda to!” kasama ang isang laughing with tears emoji.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinost ito ni Bea sa kanyang Instagram Story nitong nakaraang Biyernes, September 110, 2021.

Nag-react si Dominic at nirepost sa kanyang Instagram Story ang funny post ng girlfriend.

Caption ni Dominic sa kanyang edited TikTok video: “Chix kaba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging si Bea ay meron ding version ng TikTok video at itinapat pa sa edited video nila ni Dominic.

BEA-DOM FANS REACT

Benta sa fans ng magkasintahan ang “pang-aasar” na ginawa ni Bea sa boyfriend.

Tinawag nilang mapang-asar na girlfriend si Bea.

Marami naman ang tawang-tawa sa edited TikTok video.

Pero hindi maitatangging marami ang nagandahan sa video na taglay ang mukha ni Dominic.

Narito ang ilang panunukso ng netizens kina Bea at Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo submits her entry to the viral face-swap TikTok dance video challenge, featuring her boyfriend Dominic Roque (inset). Find out Dominic's reaction.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results