PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gumabao regrets cheating on ex-girlfriend

Marco Gumabao recounts how cheating on his ex backfired.
by Bernie V. Franco
Published Sep 11, 2021
Marco Gumabao says when he cheated on his ex-girlfriend in the past, his relationship and his reputation suffered. "Wala kang magagawa para bawiin…"
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Pinagsisisihan ni Marco Gumabao, 27, ang pangangaliwa niya noon sa dating kasintahan.

Hindi raw siya proud sa pagkakamali niyang iyon.

Rason ng aktor, dala iyon ng kanyang kabataan at kakulangan ng karanasan pagdating sa pag-ibig.

“Meron akong isang sobrang nire-regret.

“Before, back when I was still young, tanga-tanga pa ako sa pag-ibig, ganyan… I cheat[ed] on my ex before,” pag-amin ni Marco.

Pinagbayaran daw ni Marco ang pagkakamaling iyon dahil nasira ang kanyang reputasyon.

“Siguro isa iyon sa mga nire-regret ko sa buhay ko, because, siyempre, nasira yung relationship niyo, nasira yung pagkatao mo.

“And at the same time, wala kang magagawa para bawiin…

“But the only thing you can do in the future is huwag mo na siyempre ulitin yung mali mo.”

Nagsilbi raw aral iyon kay Marco: “You learn from every relationship, e.

"At siyempre, yung mga maling nagawa mo sa relationship na yun hindi mo na uulitin, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ni Marco ang rebelasyong ito sa promotional video ng ‘Di Na Muli, ang TV5 series kasama sina Julia Barretto at Marco Gallo.

Magsisimula 'Di Na Muli sa September 18.

Hindi tinukoy ni Marco kung sino ang kanyang dating girlfriend na kanyang pinagtaksilan.

MARCO’S PREVIOUS ADMISSION about cheating

Samantala, tugma ang kuwentong ito ni Marco sa pag-amin niya noong 2019 sa episode ng Gandang Gabi, Vice, ang now-defunct talk show ni Vice Ganda.

Ipino-promote noon nina Marco at Anne Curtis ang pelikula nilang Just a Stranger, na tinalakay ang cheating.

Tahasang tinanong noon ni Vice si Marco kung nag-cheat ito dati.

“Aaminin ko, yes, nakapag-cheat na ako sa ex ko,” sagot ni Marco.

“I’m not proud of it, of course. Pero aminado naman ako na nagkamali ako before.”

Tumingin pa noon sa camera si Marco at sinabing, “Doon sa ex ko, I’m very, very sorry.”

Sang-ayon si Marco na mali ang pagtataksil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May sumunod pa siyang paliwanag kung bakit may mga pagkakataong nagtataksil ang iba.

Ani Marco, “Siyempre, mali talaga.

“Pero siyempre, may mga circumstances na parang, for example, what if this person di na niya nakukuha yung love na gusto niya, or yung affection from the other person.

"Pero wala silang magawa kasi kasal sila,” ani Marco noon na may kaugnayan sa kuwento ng pelikula nila ni Anne ang pahayag.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao says when he cheated on his ex-girlfriend in the past, his relationship and his reputation suffered. "Wala kang magagawa para bawiin…"
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results