Tinamaan ng COVID-19 ang ama ni Angel Locsin na si Angelo Colmenares, 94.
Ito ay ibinahagi ni Angel sa kanyang Instagram account ngayong hapon, September 12.
Nag-post si Angel ng litrato at video ng kanyang ama na isinasakay sa ambulansya.
Base sa caption ni Angel, isang linggo na silang "helpless" dahil sa pangyayari, lalo na't ang kanyang ama ay isang senior citizen na.
Saad ni Angel, "It’s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings."
Sa huling bahagi ng kanyang caption ay ibinahagi ni Angel ang isa sa naging realizations niya ngayong pandemic.
Aniya, "So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass."
Marami namang kaibigan ni Angel ang nagpahayag ng kanilang dasal at hiling sa mabilisang paggaling ng ama ng Kapamilya actress.
Kabilang dito sina Judy Ann Santos, Dimples Romana, Iya Villania, Camille Prats, Paolo Paraiso, at maging ang asawa niyang si Neil Arce.


