PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dasuri Choi admits possibility of falling for Pinoy "oppas"

Who is the lucky Pinoy Oppa to win Dasuri's heart?
by Rose Garcia
Published Sep 12, 2021
After having established herself in the Philippines for the past eleven years, South Korean dancer/entertainer Dasuri Choi is open to the possibility of having a Pinoy boyfriend. She says, “Gusto ko rin naman na magka-jowa na mga Pinoy. Siyempre, gusto rin mag-try ng Filipino Oppa.”

Labing-isang taon nang naninirahan sa Pilipinas ang South Korean dancer/entertainer na si Dasuri Choi. At dahil sa tagal niya rito, ipinagmamalaki niyang mahusay na siyang magsalita ng wikang Filipino.

Sabi niya, “Siyempre marunong po akong mag-Tagalog, kasi eleven years na. Hello?!? You need to learn Tagalog. Sa mga foreigners po diyan, you need to learn Tagalog.”

Si Dasuri ay si Choi Da-seul sa tunay na buhay, na mas nakilala bilang si Dasuri nang maging Best in Talents at 2nd runner-up siya sa “You’re My Foreignay” segment ng Eat Bulaga noong 2014.

Nasundan na ito ng iba’t ibang shows niya sa GMA-7, kabilang ang Day-Off, kunsaan naging co-host siya.

May family business sila sa Pampanga at kahit nga may pandemya, mas pinili pa rin ni Dasuri na sa dito na manirahan.

DASURI'S BAGS NEW ENDORSEMENT DEAL

“I’m doing great,” lahad niya.

“Actually, I’m already used to new normal. I’m already used to working at home for the online promotion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m always making weekly vlog for my YouTube channel. At sobra-sobrang excited po ako rito kasi di ba, sobrang laking brand na kinuha ko,” napapapalakpak pa sa tuwang sabi niya.

Ang tinutukoy ni Dasuri ay ang pagiging brand ambassador niya para sa Hyundai Home Appliances dito sa Pilipinas. Ang Hyundai ay brand na gawa sa South Korea kaya naman hindi na nakapagtatakang siya ang kinuhang celebrity endorser nito.

DASURI MISSES HER HOMELAND

Dalawang taon na raw siyang hindi nakakabalik ng South Korea dahil sa pandemic. Ang kasama lang daw niya rito ay ang "appa," o Daddy niya. Pero nasa Pampanga raw ito habang siya naman ay nasa Manila.

Dahil din sa pandemic, na-miss din daw niya ang Korea.

“Actually, before pandemic started, I’m okay na not to speak Korean, not to watch K-drama, not to eat Korean foods. Kasi nga, sobrang saya ko rito and I have a lot of good Filipino friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya okay lang, wala akong homesick. Tapos, biglang nagkaroon ng pandemic. I have to survive alone here. Biglang nami-miss ko ang mga Korean foods, K-drama, I wanna hear mga Korean sounds. Tapos, naghahanap ako ng mga Korean brands dito sa Philippines, bili ako nang bili sa online.

“Tapos, try ko lang na mag-decor ng house ko na parang Korea. Bumili ako ng mga Korean appliances. Palaging naka-open ang TV na parang I’m in Korea with Korean shows.

“Pero very, very lucky po ako na naging Hyundai Home Appliances endorser ako, mas lalo pang naging Korean ang house ko and I feel at home kasi nga, with Hyundai mas lalo kasi it’s a brand from Korea.”

DASURI HAPPY LIVING IN THE PHILIPPINES

Kung ang mga Pinoy ay nahihilig sa mga Korean stars, K-drama at iba pang galing sa Korea at meron din na gustong sa naturang bansa manirahan o makapag-trabaho, si Dasuri ay kabaligtaran naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang meron sa bansa na dito naman niya gustong tumira at mag-establish ng career?

“Of course, sa Korea po we have four seasons. May spring, may winter. Pero po kasi, mas naa-appreciate ko po rito,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Kasi po, yung mindset po ng mga Pinoy, kakaiba po talaga. Sobrang positive at saka it doesn’t matter kahit hot and humid, palaging may bagyo, baha. My mindset is very peaceful here. More than when I was in Korea. Sobrang saya po ako rito and sobrang hospitable ang mga Filipino.

“Kaya hindi ko masasabi, speechless po talaga. Everyone is very welcoming for foreigner like me. So yun po, mas pinili ko po rito.”

DASURI HAS NO DREAMS OF MAKING IT BIG IN KOREA

Tinanong din namin si Dasuri kung may pangarap pa rin siyang makilala at sumikat sa sariling bansa, katulad ni Sandara Park na sa Pilipinas unang nakilala pero bumalik ng Korea at mas sumikat pa roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinapangarap nga ba ni Dasuri na maging Sandara Park din?

Lahad niya, “Para po sa akin now, wala po akong dream na mag-pursue ng career sa ibang bansa like Korea. Kasi po para sa akin, I tried na rin po my career in Korea. Noong nandoon po ako, naging back-up dancer rin po ako ng iba’t ibang K-pop artists.

“Parang dito naman po, it’s another challenge for me. Okay na po ako rito. Kung may chance naman po sa ibang bansa, why not, pero as of now, yung mindset ko, okay po ako rito at masaya po ako with what I’m doing right now and what I have right now.”

DASURI OPEN TO IDEA OF HAVING PINOY BF

Hindi itinanggi ni Dasuri na open siyang magkaroon ng isang Pinoy boyfriend.

“Of course po, nandito nga ako sa Pinas. Gusto ko rin naman na magka-jowa na mga Pinoy. Siyempre, gusto rin mag-try ng Filipino Oppa,” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “Try, try lang. Siyempre dati, puro Korean oppa ang mga naging jowa. Ngayon naman siyempre, Pinoy naman, di ba po? To be honest lang.”

DASURI ADMITS PINOY SHOWBIZ CRUSHES

Sa huli, sa tanong kung sino sa mga Filipino actors ang crush niya o puwede niyang ituring na Pinoy oppa, tila nahihiya pa itong magsabi.

Pag-amin niya, “Actually po, it’s not more on crush but I want to work with mga dancers/artist sa GMA. Siyempre, Rayver Cruz, di ba po, nasa GMA? Tapos si Ate Rochelle [Pangilinan] po, sobrang idol ko po.

“Hindi lang mga lalaki, mga babae rin.”

Pero sa mga kalahi niya, ang Korean actor na si Park Seo Joon naman daw ang pinaka-crush niya.

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Read More Stories About
Dasuri Choi, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After having established herself in the Philippines for the past eleven years, South Korean dancer/entertainer Dasuri Choi is open to the possibility of having a Pinoy boyfriend. She says, “Gusto ko rin naman na magka-jowa na mga Pinoy. Siyempre, gusto rin mag-try ng Filipino Oppa.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results