PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras on P30K issue involving former manager Lolit Solis

Mark Herras addresses issue of borrowing P30K from Lolit Solis.
by Bernie V. Franco
Published Sep 13, 2021
Mark Herras finally speaks up about borrowing P30,000 from former manager Lolit Solis: "This is a private thing."
PHOTO/S: @herrasmarkangelo on Instagram

Nagpatutsada si Mark Herras, 34, nang matanong tungkol sa kanyang ipon at ang isyu tungkol sa P30,000.

May kinalaman ito sa panghihiya sa kanya ng dating manager na si Lolit Solis, 74.

Sa online show ni Lolit noong July 27, 2021, ikinuwento nitong lumapit sa kanya si Mark upang manghiram sana ng P30K. Pambili raw ito ng gatas ni Mark para sa kanyang anak.

Si Mark ay may seven-month-old baby sa fiancée na si Nicole Donesa.

Lahad ng talent manager at showbiz columnist, pinangaralan niya si Mark dahil hindi raw nito inalagaan ang kanyang finances.

Sinabi ni Lolit na “nakakahiya” na kailangan pang humiram si Mark ng P30K para sa gatas ng anak.

Iginiit ni Lolit na “walang direksyon,” walang focus,” at hindi siniseryoso ni Mark ang kanyang career.

Bahagi ng pahayag ni Lolit: "Sabi ko, 'Alam mo, Mark, sa estado mo, sa pagiging artista mo, nakakahiya, P30K lang wala ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Kung meron kang P300,000 na uutangin, mas maganda sa pandinig. P30K, wala ka? Yung P.A., may 50,000, ikaw wala kang P30K?"

Pagsapit ng August 18, nag-post sa Instagram si Lolit para sabihing nakonsensiya siya sa ginawa niyang panghihiya kay Mark.

Nakatanggap din ng batikos ang talent manager mula sa netizens dahil sa ginawa niya sa aktor.

Pagkalipas ng dalawang araw, muli siyang nag-post sa Instagram para sabihing hindi na siya co-manager ni Mark.

Hindi nag-react si Mark kaugnay ng isyu.

MARK REACTS to issue with lolit

Pero sa kanyang vlog na ipinost sa YouTube nitong September 12, binasag na ng Kapuso actor ang katahimikan niya tungkol sa isyu.

Sa vlog ay naglaro si Mark at kaibigang si Eric Fructuoso ng “Sagot o Lagot,” kung saan mamimili sila kung sasagutin ang bawat tanong o iinom ng suka.

Isa sa ibinatong tanong kay Mark: “Magkano ang pera mo na nasa bangko mo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Mark at akmang iinom ng suka, pakiwari’y umiiwas sa kontrobersiyal na tanong.

Nagpahaging si Mark: “Mga P30K siguro. Inom na lang ako para walang issue.”

Aniya, “private” ang impormasyong ito.

Pero nagbitiw pa rin ng pahayag si Mark, na malinaw na reaksiyon niya kaugnay ng isyu nila ni Lolit.

Sabi niya, “Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, yung anak ko, alam ko may pera sa bangko.”

Hindi na nagdetalye pa si Mark at ininom ang shot ng suka.

INDECENT PROPOSALS AFTER THE P30K ISSUE

Pagsisiwalat pa ni Mark, nakatanggap siya ng mga kuwestiyonableng alok sa kasagsagan ng isyung kinasangkutan nila ni Lolit.

Tinanong kasi ang Kapuso actor kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposals.

Sagot ng kauna-unahang StarStruck winner, “Hindi naman to the point na indecent, ah, medyo disente pa naman. Pero I think it’s going there.

“Before, may nag-i-invite for a date nga lang, e, pero LGBT [member]. So, mga ganun...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos siyempre, nung nangyari yung recent issue, andaming nag-DM [direct message] sa akin na mga LGBT, ‘Hi, Mark. Hi, I can help.’”

Paglilinaw ni Mark, “I’m not judging them, pero basically, maganda naman yung thought.

“I think medyo in-assume ko lang na papunta dun [sa indecent proposal].

“Pero, so far, wala pa naman akong natanggap na rekta, na talagang, ‘Mark, bigyan kitang pera…’ yun. Wala, wala pa naman.”

Sinagot din ni Mark nang matanong kung tatanggapin ba niya ang offer na mag-transfer sa kabilang TV network kapag hindi naaalagaan sa home network.

Diretsang sagot ni Mark: “Kung di ka naaalagan ng isang network, lalo na ang target ko ngayon is makapag-provide sa family…

“So, kung saan tayo magkakaroon ng project para makapag-provide, doon tayo.”

Naaalagaan ba naman siya ng GMA Network ngayon?

“Sobra naman,” sagot ni Mark.

Recently, nag-renew ng contract si Mark sa GMA Artist Center at naghahanda siya ngayon para sa lock-in taping ng kanyang upcoming teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras finally speaks up about borrowing P30,000 from former manager Lolit Solis: "This is a private thing."
PHOTO/S: @herrasmarkangelo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results