PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson takes a swipe at naysayers

Gerald Anderson: “Wala tayong karapatan mag-judge.”
by Bernie V. Franco
Published Sep 16, 2021
Gerald Anderson on how he deals with too much criticisms: "Kung saan ka mas naging mabuting tao, mas masaya, mas positive.”
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @hayatiprivateresort on Instagram

Naghayag ng saloobin si Gerald Anderson sa pagiging judgmental ng ibang tao tungkol sa buhay ng mga celebrity.

Para kay Gerald, dapat ay may limitasyon ang panghihimasok ng iba pagdating sa personal na buhay ng public figures.

Ito ang naging takbo ng usapan ni Gerald, girlfriend na si Julia Barretto, at ng non-showbiz friend nilang si Dave Dalisay sa YouTube video ng huli noong September 4, 2021.

Tinalakay ng tatlo ang katakut-takot na panghuhusga ng netizens sa mga artista.

Tanging basehan lang naman daw ng netizens ay ang social media kahit hindi alam ng mga ito ang tunay na pinagdadaanan ng mga artista.

Pagsang-ayon ni Julia, “Social media is different from real life. So, be you.”

Katwiran ni Gerald, “Masaya ka sa buhay, malungkot sa buhay mo, human nature nating mang-judge.”

Hindi raw tinatanggal ni Gerald ang karapatan ng netizens na maglabas ng opinyon, pero dapat daw ay may limitasyon ang panghihimasok nila sa buhay ng public figures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng Kapamilya actor, “Lahat naman tayo may karapatan sa opinyon natin.

“At maraming tao na laging may opinyon tungkol sa ibang tao at tungkol sa ibang bagay.

“Pero dapat hanggang doon lang.

“Kumbaga, kung gusto niyang mamuhay sa ganoong paraan o ano, choice niya iyan, di ba?

“Wala tayong karapatan mag-judge."

HOW GERALD DEALS WITH CRITICISMS

Sinang-ayunan ni Gerald ang pahayag na maraming napupuna ang netizens sa public figures, pero hindi nakikita ng mga ito ang sarili nilang kakulangan.

“Maraming perfect sa mundo. Maraming feeling perfect...” hirit ng Kapamilya actor.

Ginawa pang halimbawa ni Dave ang pag-iibigan nina Gerald at Julia, na patuloy na nakatatanggap ng batikos.

Matinding batikos ang hinarap ni Gerald mula noong 2019 kasunod ng paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.

Hanggang sa ngayon, nananatiling mainit sa mga mata ng kanyang kritiko ang relasyon nila ni Julia.

Sabi ni Dave, may mga pagkakataong nakakalimutan ang maraming mabuting nagawa ng isang tao dahil sa isang pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsang-ayon ni Gerald, “Ganoon sa lahat ng bagay.

“Kunwari sa trabaho, kung lagi kang on time, pero ma-late ka ng isang beses, bad shot ka na, di ba?

“Ganoon talaga.”

Ibinahagi ni Gerald ang kanyang opinyon kung ano ang pinakamagandang gawin sa ganitong sitwasyon.

Aniya, “So, paggising mo sa umaga, isipin mo lang, gawin mo lang yung best mo bilang tao, bilang trabaho, bilang ano…

“Basta kung saan ka masaya. Kung saan ka mas naging mabuting tao, mas masaya, mas positive.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on how he deals with too much criticisms: "Kung saan ka mas naging mabuting tao, mas masaya, mas positive.”
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @hayatiprivateresort on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results