PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Manila Jasmine Umali parents former pageant titleholders

Find out who Miss Manila's parents are...
by Bernie V. Franco
Published Sep 17, 2021
It runs in the blood: Jasmine Umali (center) is representing Manila in the upcoming Miss Universe Philippines 2021 pageant. She is the daughter of Vincent Pinto (left), Manhunt International 1997 second runner-up, and Mary Jane Umali (right), Mutya ng Pilipinas 1989 second runner-up.
PHOTO/S: YouTube/@jasmineumali on Instagram/ Mike Herrera file, Tony boy dela rea

Napapansin ngayon si Miss Manila Izabella Jasmine Umali dahil sa pagsulpot ng old video clips ng kanyang ama na titleholder sa isang prestihiyosong male pageant.

Si Jasmine, 25, ay isa sa tatlumpung (30) final candidates ng Miss Universe Philippines 2021.

Kabi-kabila ang pagpu-post ng pageant vlogs ng clips ni Vincent Pinto, ama ni Jasmine, na hinirang na second runner-up sa Manhunt International 1997.

Gumawa ng marka si Vincent dahil siya ang kauna-unahang Filipino Top 5 placer sa international male pageant scene.

Ginanap ang Manhunt International 1997 sa TCS, Caldecott Broadcast Centre, Adam Road, Singapore.

Sa clips, kapansin-pansin ang tsinito, matipuno, at guwapong si Vincent. Ipinakilala ang kanyang pagrampa at pag-advance sa Top 5 bilang “Kamusta ka, Vincent Pinto from the Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Vincent Pinto during the swimwear competition (left), and during the announcement as the second runner-up (right) in Manhunt International 1997.

Pero hindi lang ang ama ni Jasmine ang titleholder sa kanilang pamilya.

Ang kanyang ina na si Mary Jane Umali ay nakoronahang Mutya ng Pilipinas 2nd runner-up noong 1989.

Si Mary Jane, isang modelo, ay kapatid ng former actress na si Jenn Umali. Si Jenn ay isa na ngayong life coach sa U.S.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Left: Mary Jane Umali's recent photo posted just this February 2021; Right: Mary Jane when she was won as second runner-up in Mutya ng Pilipinas 1989

RUNS IN THE FAMILY

Si Jasmine ang panganay sa apat na babaeng magkakapatid.

Bagamat parehong titleholders ang kanyang mga magulang, sariling desisyon daw ni Jasmine ang pagsabak niya sa national pageant.

Sa video interview ng The Qrown Philippines noong August 7, 2021, tinanong si Jasmine kung paano siya sinuportahan ng mga magulang sa pagsali sa Miss Universe Philippines.

Sagot niya, “My mom wasn’t really pushing me to join. Hindi siya sigurado kung gusto niya [ako mag-join].

“From her experience, I guess she just wants to protect me from being heartbroken if I lose.

“Ayaw niya lang siguro akong ma-hurt. So, protective lang siya and very worried.

“But it was my decision based on answered prayers.”

Hindi nagsalita ang aspiring beauty queen tungkol sa amang si Vincent. Kapansin-pansin din na ang dinadalang pangalan ni Jasmine ay ang apelyido ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RETRENCHED FLIGHT ATTENDANT

Si Jasmine ay nagsimulang magmodelo noong 16 anyos pa lamang siya.

Napabilang siya sa Mercator, isang kilalang modelling agency kung saan kabilang sa talents nila ay titleholders.

“So, nakakasabay ko dati yung mga reigning queens, yung may mga title na ngayon.

“Parang ako na lang yung natitira sa batch namin,” sabi niya.

Ka-batchmates daw niya sa modelling agency sina Patch Magtanong (Bb. Pilipinas International 2019), Kylie Verzosa (Miss International 2016), at Maxine Medina (Miss Universe Philippines 2016).

Si Jasmine ay nagtrabaho bilang flight attendant sa pangunahing flag carrier ng Pilipinas. Pero sa pagtama ng pandemya, isa si Jasmine sa mga na-retrench sa trabaho.

Ibinigay raw sa kanya ang sign na kanyang hiningi kung sasabak ba siya sa pageant.

Lahad ni Jasmine, “Pageant was not the priority then.

“I was working as flight attendant for almost five years in total and I was enjoying that time. I was travelling a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong pandemic, I was retrenched too. So, that was last February [2021].

“I was praying, ‘Lord, what am I gonna do?’

“When I got retrenched from PAL [Philippine Airlines], tumawag ang Aces if I wanted to train.”

Pakli pa niya, “This is a sign. Sakto.”

Ang Aces and Queens ay isa sa kilalang beauty pageant camps sa bansa.

Dalawang araw bago siya ma-retrench, tumawag ang officer ng pageant camp at niyaya siyang mag-train bilang beauty queen.

“I said yes na agad,” sabi ni Jasmine.

Nakatakdang ganapin ang Miss Universe Philippines 2021 sa September 25, 2021.

Si Rabiya Mateo ang magpapasa ng korona, at ang kokoranahan ay ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Eliat, Israel sa December 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It runs in the blood: Jasmine Umali (center) is representing Manila in the upcoming Miss Universe Philippines 2021 pageant. She is the daughter of Vincent Pinto (left), Manhunt International 1997 second runner-up, and Mary Jane Umali (right), Mutya ng Pilipinas 1989 second runner-up.
PHOTO/S: YouTube/@jasmineumali on Instagram/ Mike Herrera file, Tony boy dela rea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results