PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay apologizes to Vice Ganda over bashers belittling P20K aid

Ate Gay says he has no intention to drag Vice Ganda into a controversy.
by Rachelle Siazon
Published Sep 17, 2021
Ate Gay (left) says sorry to Vice Ganda (right) and clarifies that he has no intention to drag the It's Showtime host into a controversy.
PHOTO/S: Gil Aducal Morales Facebook / @praybeytbenjamin Instagram

Humingi ng paumanhin si Ate Gay kay Vice Ganda dahil sa pangmamaliit ng bashers sa ibinigay nitong tulong sa kanya.

Ito ay isang araw matapos ihayag ni Vice na nasaktan siya nang "inokray" ng bashers ang halagang PHP20,000 na kusang-loob niyang ibinigay sa isang kaibigang nangangailangan.

Si Ate Gay ay Gil Aducal Morales sa totoong buhay.

Ngayong Biyernes ng gabi, September 17, naglabas si Ate Gay ng mensahe sa kanyang Instagram para klaruhin ang isyu.

Kaya raw niya inilabas ang breakdown ng cash donations na ibinigay ng mga kaibigan niya noong siya ay naospital dahil sa below-the-belt comments ng bashers na pinagmumukha siyang walang utang na loob.

Binabatikos kasi si Ate Gay ng ibang netizens matapos niyang magbitiw ng salita na nais niyang i-delete ang kanyang Facebook friends na panay ang reklamo sa gobyerno.

Ang siste, tila inintriga ng netizens na posibleng si Vice raw ang tinutukoy ni Ate Gay dahil hindi kaila sa publiko na bukas ang It's Showtime host sa paglabas ng saloobin sa mga pagkukulang ng gobyerno sa taumbayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Ate Gay, hindi niya intensiyong madawit si Vice at mapulaan ito ng bashers nang ilathala niya sa Facebook ang halagang itinulong nito sa kanya nang siya ay maospital.

Sabi sa caption ni Ate Gay (published as is): "Kung di po ako sasagot parang isa akong masamang nilalang...

"naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAMATAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin..

"nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher..

"sana mapatawad nyo ako .. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko..."

Kalakip ng Instagram post ni Ate Gay ay screenshot ng nauna niyang paliwanag kay Ogie Diaz na wala silang isyu ni Vice.

Sabi rito ni Ate Gay: "Laging pinagdidikit yung mukha ko at ni Vice Ganda. Nahihiya ako kay Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, tumulong si Vice. Sabi ko nga, di ba, maliit at malaking halaga ay tulong.

"Oo, tinulungan ako. Pero nga, ang feeling ko, yung mga namba-bash sa akin, parang feeling nila si Vice yung nagbayad ng bill sa ospital."

Nakasaad din dito ang paglilinaw niya na ang hospital bill niyang umabot sa PHP600,000 ay binayaran ng kanyang kapatid.

"Parang nahihiya ako kay Vice. Kumbaga, yung lagi na lang siyang nadadawit pag may issue.

"Ang nagbayad ng bill ko sa ospital, kapatid ko, P600K."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

VICE GANDA'S SENTIMENTS

Kahapon, September 16, ikinuwento ni Vice sa It's Showtime ang insidenteng siya na ang tumulong ay siya pa ang napulaan ng bashers.

Ayaw magpa-acknowledge ni Vice sa ginawa niyang lihim na pagtulong, pero isinapubliko raw ng kanyang tinulungan ang ibinigay niyang halaga rito.

Bahagi ng pahayag ni Vice: "Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi ng mga comments, ‘Ha, ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, twenty thousand lang?’

“Parang napalunok ako. Parang, 'Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?'"

Sobra raw nasaktan si Vice.

"Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestyunin pa, 'Bakit yun lang ang itinulong mo?'

"That hurts so much."

Hindi pinangalanan ni Vice kung sino ang kaibigang tinulungan niya, pero naikonekta ito agad kay Ate Gay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay (left) says sorry to Vice Ganda (right) and clarifies that he has no intention to drag the It's Showtime host into a controversy.
PHOTO/S: Gil Aducal Morales Facebook / @praybeytbenjamin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results