Nagkaroon ng blooper si Kim Chiu sa grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime noong Sabado, September 18.
Ito ay matapos siyang magkamali ng Bible verse na nabanggit habang nakikipag-banter kay Vice Ganda at sa isang contestant na nagngangalang Psalm Manalo.
Sa banter nina Vice at Kim ay napag-usapan ang pangalan ni Psalm.
Komento ni Kim dito, "Ang ganda ng pangalan niya, Ma, ano? Psalm. Parang mga gospel iyan sa Bible."
Sabi ni Vice, "Psalmo, Psalmo," o Psalm sa Filipino Bible.
Patuloy naman ni Kim, "Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, di ba?"
Sagot lang ni Vice dito, "Yes."
Dumiretso naman si Kim sa pagkausap kay Psalm.
Marami ang pumuna kay Kim dahil hindi Psalm ang tawag sa Gospel at Bible verse na kanyang nabanggit, kundi John 3:16.
Ang kabuuan ng John 3:16 sa King James version ng Bible ay: "For God so loved the world, that He gave His only begotten Son, that whosoever believeth in Him should not perish, but have everlasting life."
Wala namang Psalm 3:16 dahil eight verses lang ang meron sa Chapter 3 ng book of Psalms.
Agad itong napansin ng netizens sa Twitter at itinama ang komento ni Kim dahil maling Bible verse ang nasabi niya.
Ni-repost ang clip na ito ni Kim ng ilang TikTok accounts:
@princejazzer *john 3:16
? original sound - Prince Jazzer
Isang fan ang ni-retweet ni Kim kung saan humingi siya ng pasensiya sa kanyang naging pagkakamali.
Sabi ng fan, "John 3:16 kasi yon kim [Rolling on the floor laughing emoji] luv pa rin kita @prinsesachinita #TNT5AngHulingTapatan"
Sagot ni Kim dito, "Thank you hehe [heart emoji] sensya po.."

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
