Rabiya Mateo on nastiest comment about her: "Ah, kabit iyan kaya nanalo ‘yan."

by Bernie V. Franco
Sep 22, 2021
Rabiya Mateo cries foul over nasty comments about her: “That was nasty. Isa akong babae, kung saan lahat ng meron ako pinaghihirapan ko.”
PHOTO/S: GMA-7

Hirap daw si Rabiya Mateo na piliin kung ano ang pinakamasakit na kritisismo na natanggap niya nang lumaban siya sa Miss Universe 2020 pageant dahil sobrang dami ng mga ito.

Pero may isang puna na nagmarka sa kanya noong koronahan siyang Miss Universe Philippines 2020 noong October 2020.

Nabahiran ng malisya ang pagkapanalo noon ni Rabiya dahil hindi matunog ang pangalan niya sa pre-pageant competitions.

“Sa sobrang dami, wala akong maisip, pero kasi part talaga iyon, e,” sabi ng Filipino-Indian beauty queen.

“Alam niyo ho ba, nung nanalo ako ng Miss Universe Philippines… kasi, di ba, dark horse ako noon?

“Wala akong kapanga-pangalan, galing sa probinsiya…

“Siguro yung narinig kong isyu is, ‘Ah, kabit iyan kaya nanalo ‘yan.’

“That was nasty. Isa akong babae, kung saan lahat ng meron ako, pinaghihirapan ko.”

Sinabi ito ni Rabiya sa guest appearance niya sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) noong Linggo, September 19.

Continue reading below ↓

Nang lumutang ang mga pang-iintriga kay Rabiya, mas nag-alala siya kung paano maaapektuhan ang kanyang ina.

“Yung first ko talagang ginawa is kinausap ko yung mama ko.

“Kasi, for example, meron tayong nakikitang masasakit na comments, kung ako masasaktan, times ten iyon sa nanay ko.

“Siya talaga ang sinabihan ko na, ‘Ma, tatagan mo yung loob mo, kasi yung pinasok ko, public property na ako. Wala na tayong say kung anumang gagawing isyu ng mga tao. Ang importante is that alam naman natin na mabuti tayo kahit walang nakatingin sa atin.’”

Si Rabiya ay nakaabot sa Top 21 ng Miss Universe 2020 pageant na ginanap noong May 16, 2021.

Ani Rabiya, nakaapekto sa kanyang performance ang matinding batikos na nababasa niya online.

Hindi raw advisable na magbasa ng comments ang isang kandidata ng isang beauty pageant.

“I learned it the hard way, kasi dati I was so naïve, and every time na nakakabasa ako… Nagbabasa kasi po ako [ng comments].

“Nung nagbabasa pa ako ng comments dati, iniisip ko, ‘Bakit ganito ang mga tao? Bakit ang sakit nilang magsalita? Bakit napakadali na lang para sa kanila?’

“Pero we have to understand, hindi ko kontrol ang sasabihin ng tao tungkol sa iyo.

“Pero control mo kung paano ka magre-react sa mga sinasabi nila.”

Sa mga susunod na ilang linggo ay ipapasa na ni Rabiya ang kanyang korona bilang Miss Universe Philippines.

Payo niya sa susunod na tagapagmana ng kanyang korona: “You need to have a team na naniniwala talaga sa iyo regardless what happens.”

Malaki raw ang naibabahagi ng isang team para lumakas ang loob ng isang kandidata.

Pero paalala ni Rabiya: “Bukas ang isip mo sa kritisismo and you need to be better every time na lalabas ka.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo cries foul over nasty comments about her: “That was nasty. Isa akong babae, kung saan lahat ng meron ako pinaghihirapan ko.”
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results