PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino overwhelmed by Star Awards for TV nomination

"It felt so good to see something na I felt appreciated..."
by Rommel Gonzales
Published Sep 25, 2021
Rocco Nacino on nomination for best supporting actor: "The nomination itself is already an award para sa akin. At malaki ang maitutulong niyan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso network."
PHOTO/S: Instagram / GMA Network

Nominado si Rocco Nacino bilang Best Drama Supporting Actor sa 34th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Oktubre.

Napansin ng PMPC ang akting ni Rocco sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama na Descendants Of The Sun, kung saan gumanap siya bilang sundalong si Diego Ramos o Wolf.

"It felt so good para maranasan ko 'yan at maramdaman ko nung sinend sa akin ng mga program managers, ng mga bosses, yung photo of the nomination [certificate]," umpisang bulalas ni Roco nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naramdaman niya sa kanyang nominasyon sa Star Awards For TV.

"It felt so good to see something na I felt appreciated with Diego Ramos's character.

"Malapit na malapit sa akin yung Descendants Of The Sun kaya nagpapasalamat ako kay God na ginawa niyang ganito ng hitsura ko kaya nakuha ko yung role at kamukha ko daw si Jin Goo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang pagkakahawig physically nina Rocco at ng Korean actor na si Jin Goo, na orihinal na gumanap sa papel ni Rocco.

"Kaya kung may papasalamatan po talaga ako, iyon ay yung aking kapatid sa Korea, siya po talaga ang may dahilan niyan!" at tumawa ang Kapuso actor.

Rocco Nacino and korean actor Jin Goo

Ang mga makakalaban ni Rocco ay sina Gabby Eigenmann (Bilangin Ang Bituin Sa Langit), Gardo Versoza (Sandugo), Jaime Fabregas (FPJ's Ang Probinsyano), Joel Torre (Starla), Michael de Mesa (FPJ's Ang Probinsyano), at Roderick Paulate (One of the Baes).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang naramdaman ni Rocco nang malaman niya kung sino ang mga makakatunggali niya?

"Oh my!" at muling tumawa si Rocco.

"Sabi ko, honestly, ang nasa isip ko talaga ay wala po ako sa kanilang level."

Banggit namin kay Rocco, ka-level niya ang mga nabanggit na aktor kasi nga ay pare-pareho silang nominado sa isang kategorya.

Paliwanag naman niya, "I mean, the nomination itself is already an award para sa akin.

"At malaki ang maitutulong niyan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso network.

"And it's beautiful to know na, 'Wow, sa tingin nila kaya kong masama sa category'ng yun!'

"So, it's very motivating. It's... anong tawag dito, nakakakaba siyempre na makita yung mga pangalan na yun kasi mabibigat na mga pangalan yung kasama ko po, and it's actualy an honor.

"Whatever the result may be, ako ay masayang-masaya na ako ay naisama doon [sa mga nominado]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang mediacon ay nagpadala pa si Rocco sa amin ng mensahe sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram upang muling pasalamatan ang PMPC.

"Thank you talaga sa PMPC! Naku, kung alam ninyo lang kung gaano ninyo ako napasaya! [3 heart emojis]. Thank you again for the nomination!"

Nakausap ng PEP.ph si Rocco nitong Martes, September 21, sa mediacon via Zoom ng To Have & To Hold ng GMA-7.

Ipalalabas simula sa Lunes, September 27, sa GMA Telebabad, gaganap dito si Rocco bilang si Gavin Ramirez, si Max Collins bilang Dominique Ramirez, at si Cara Abellana bilang Erica Gatchalian.

Sa direksiyon ni Don Michael Perez, kasama rin sa To Have & To Hold sina Luis Hontiveros bilang Daryl, si Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet, at Ina Feleo bilang Quel.

May special participation dito si Rafael Rosell bilang Tony Gatchalian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on nomination for best supporting actor: "The nomination itself is already an award para sa akin. At malaki ang maitutulong niyan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso network."
PHOTO/S: Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results