Sinorpresa ni Kiray Celis ang kanyang Instagram followers sa anunsiyo niya na sa unang pagkakataon ay magpapa-tattoo ang non-showbiz friend niyang si Stephen Estopia.
Hindi lang basta kung anong simbolo ang piniling tattoo design ni Stephen, dahil mismong mga mata ni Kiray ang ipina-tattoo nito sa kanyang kaliwang dibdib.
Si Kiray ay 27 years old, habang si Stephen ay 25.
Sa YouTube vlog ni Kiray noong September 24, ipinakita niya ang pagpunta nila sa isang tattoo shop sa Sampaloc, Manila.
"Actually, hindi siya challenge. Ni-request niya talaga," paliwanag ni Kiray.
Dahil sa tinuran, natatawang hirit ni Kiray patungkol sa sarili, "Wow, ang ganda! Haba ng buhok mo, girl!"
Pero ulit niya, "Ni-request niya talaga magpa-tattoo ng tungkol sa akin."
Biniro ni Kiray si Stephen na baka naman gusto nitong itodo na ang tattoo, at ipinakita ang printed copy ng litrato niya sa nobyo.
Sabi niya kay Stephen, "Baka magbago pa isip mo. Eto na lang kaya buo [na mukha ko].' Huwag ka mahiya. Alam ko patay na patay ka sa akin."
Pero minsan ay inaasar din niya ang nobyo na baka magsisi ito sa ipapa-tattoo nito.
Biro ni Kiray, "Ready na po siya magkamali sa buhay niya. Hahaha!"
Mabilis na nakagawa ng sketch ang artist at sinimulan ang pag-tattoo kay Stephen.
Bago nagsimula ay ilang beses pang napatili si Kiray dahil sa kaba sa gagawin ng nobyo.
Pero siniguro ni Stephen na handa siya sa gagawin niya.
Matapos ang pagpapa-tattoo ni Stephen, muling napatili si Kiray.
Aniya, "I can't believe that this is happening to us! So this will not break us forever?!"
Kalmadong sagot ni Stephen sa pangungulit ni Kiray, "Alam mo, para kang baliw."
Sa huli, seryoso namang sinabi ni Kiray na na-appreciate niya ang gesture ng nobyo.
Sabi ni Kiray, "Thank you, Daddy. Super happy ako na napili mo mata ko. Sobrang thank you and I love you."
"Daddy" at "Mommy" ang terms of endearment nila sa sa isa't isa.

Halos dalawang taon nang magkasintahan sina Stephen at Kiray. Naging opisyal sila noong December 13, 2019.
