Agaw-eksena si Miss Manila Jasmine Umali sa preliminary round ng Miss Universe Philippines 2021 pageant.
Standout si Jasmine, 25, sa kanyang performance sa swimsuit at evening gown segments ng preliminary competition na ginanap noong September 26, 2021.
Isa siya sa top choices ng pageant experts, vlogs, at enthusiasts pagdating sa prelims.
Dahil sa ipinamalas na performance ni Jasmine, feeling vindicated on her behalf ang kanyang supporters at trainers matapos umano siyang tawaging “walang nutrients” o “kulang sa nutrients” na kandidata.
Bakas ang patutsadang ito sa post at comments ng supporters ni Jasmine.
Naging malaman ang Instagram post ng pasarela trainer na si Ian Mendajar, isa mga trainor ni Jasmine.
“Very nutritious performance! I am so proud of you @jasmineumali [heart emoji],” post ni Ian bilang pagbati sa performance ni Jasmine sa prelims.
Nagsunud-sunod naman ang komento ng netizens. Bakas sa kanilang comments na alam nilang may pahaging ang ginamit ni Ian na “nutritious.”
“THE CAPTION IS EVERYTHING” caption ng isang netizen.
“SHADE,” sabi naman ng isa.




Depensa naman ng isa kay Jasmine (published as is): “Asan na Yung nagsasabing kulang sa nutrients?” Nilamon Lang kayo ni Queen Kasmine [fire emojis]”

Sa ipinost na video clip ni Jasmine sa YouTube during the preliminary question-and-answer competition, hati ang reaksiyon ng netizens.
May mga nakulangan sa kanyang pagsagot, habang ang iba naman ay satisfied.
Nagkomento ang isang netizen: “Ahh siya pala yung nasabihan ng isa sa MU organization na walang nutrisyon ang utak haha”

Maging ang isa pang pageant vlog, may pahaging din nang i-repost nito ang video ni Miss Manila na sumasayaw habang nakaupo.
Caption nito: “Baka nakukulangan pa kayo sa personality kay @jasmineumali, magsabi lang kayo. Char! Kain ka madaling gulay dyan. HAHAHAHA!”

Ang mga sumunod na komento ay pagtatanggol din kay Jasmine kaugnay ng akusasyong wala raw umano siyang nutrients:


JASMINE TO FOCUS ON THE GOOD
Kabaliktaran ng kanyang impressive performance sa swimsuit at evening preliminary competition, mixed ang reaksiyon ng netizens sa preliminary Q and A na ginanap noong September 24, 2021.
Kung satisfied ang iba dahil sa pagiging natural daw ni Jasmine sa pagsagot, hindi naman nagustuhan ng iba ang kanyang pagtawa.
Komento ng isa, may “hangover” si Jasmine dahil sa inuman nila ni Alexandra Abdon, Miss Manila 2020.
Pero ang pagsagot ni Jasmine ay ipinagtanggol ni Atty. JV Salud, ang public-speaking trainer ni Jasmine.
Komento ng abogado: “Q&A is not about content, it’s about showcasing personality and the ability of a woman to confidently respond to questions. Jazzy slayed this round.”

Ipinost din ng isang pageant vlog ang Q and A clip ni Jasmine.
Nagtanong ang pageant vlog kung paano mapanatili ang grace under pressure.
Sumagot si Jasmine: “focus on the good!! Enjoy every moment no matter what [heart emoji]”

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
