Beatrice Luigi Gomez's girlfriend "so proud" of new Miss Universe Philippines

by Arniel C. Serato
Oct 1, 2021
Kate Jagdon (right) on girlfriend Beatrice Luigi Gomez winning Miss Universe Philippines 2021 crown: "You have proved once again @beatriceluigigmz that you’re worthy of all the big things in life."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Super proud si Kate Jagdon sa pagkapanalo ng girlfriend niyang si Beatrice Luigi Gomez bilang Miss Universe Philippines 2021.

Sa kanyang Instagram ilang oras matapos koronahan si Bea, palayaw ng Cebuana beauty queen, nag-post kaagad si Kate ng congratulatory message para sa nobya.

Si Bea ay proud member ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgrender, at queer) community.

Si Kate ay isang performance DJ sa Queen City of the South.

Anim na taon na ang relasyon ng dalawa.

Sabi ni Kate, ang pagpapakatotoo ni Bea sa sarili ang naging puhunan nito upang makuha ang titulo at korona sa Miss Universe Philippines 2021.

Aniya, “You have proved once again @beatriceluigigmz that you’re worthy of all the big things in life.

"Congratulations to you for doing it once again! We are so proud of you!

“The new Ms. Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez and the rest of her court, besting over 99 other candidates in the competition.

Continue reading below ↓

“Your journey of being authentic is an inspiration to every Filipino.”

Kasunod niyang pinasalamatan ang team ni Bea, ang gumawa ng kanyang mga gown, at ang kanyang mga kaibigan at kapamilya.

Bahagi ng pasasalamat ni Kate, “To our family, friends, beabies, gomezuniverse, teacher jake @viancaramay @bodyworxmedicalspaph @bloomingphofficial and the people who supported, who prayed, who rooted and congratulated her, thank you so much.

"You are the reason why she held her head high and continued to conquer her fears.”

View this post on Instagram

A post shared by Kate Jagdon (@kate_jagdon)

THE RELATIONSHIP

Napukaw ni Bea ang interes ng publiko sa grand finals ng Binibining Cebu noong January 2020 dahil sa question-and answer-portion ng pageant ay buong-ningning niyang inaming mayroon siyang girlfriend.

Ang girlfriend daw niya ang palaging nagtutulak kay Bea na sumali sa mga beauty pageant.

Sa tanong kung ano ang nagpapaganda sa kanya, ito ang naging sagot ni Bea: “I guess what makes me beautiful is my bravery and being true to myself.

Continue reading below ↓

“To tell you guys honestly, I have a girlfriend, I have tattoos, and I’m very proud of my imperfection.

"And I guess that what makes me beautiful."

At kagabi nga, September 30, dinaig ni Bea ang dalawampu’t pito pang kandidata para sa titulong Miss Universe Philippines 2021.

May halos dalawang buwan na lamang siya upang maghanda sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel sa darating na Disyembre.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kate Jagdon (right) on girlfriend Beatrice Luigi Gomez winning Miss Universe Philippines 2021 crown: "You have proved once again @beatriceluigigmz that you’re worthy of all the big things in life."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results