PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dave Bornea is an online sex worker in Magpakailanman

Would he consider selling his body online if things get worse this pandemic?
by Rommel Gonzales
Published Oct 2, 2021
Dave Bornea in Magpakailanman
Dave Bornea stars as a man forced to sell his body online for his family in tonight's episode of "Magpakailanman."
PHOTO/S: Magpakailanman, GMA-7 PR

Tampok sa "Pa-Mine: Online Body Selling" na bagong episode ng Magpakailanman si Dave Bornea sa una niyang pagbibida.

Sa kuwento na ipapalabas ngayong Sabado ng gabi, guwapo si Dave at maingat at napakalinis sa katawan kahit na galing ito sa mahirap na pamilya.

Noong siya ay nagbinatilyo, kinumbinsi niya ang kanyang ina na iwan ang mapang-abuso niyang ama.

Nguni't nagkasakit at namatay ang ina ni Dave dahil sa tuberculosis.

Ang nakatatandang kapatid niyang babae ay lumuwas ng Maynila upang magtrabaho at ang kuya naman niya ay naging seminarista.

Si Dave ang tumayong magulang ng dalawa niyang nakababatang kapatid.

Subalit mapang-abuso rin ang tiyuhin nila na umampon sa kanila. At minsang nagtalo sila ng kanyang tiyuhin ay pinalayas nito si Dave.

Nangako si Dave sa kanyang mga kapatid na babalik siya at kukunin niya ang mga ito.

Nagtrabaho si Dave bilang helper sa isang junkshop hanggang sa nakilala niya si Jayson, ang anak ng may-ari ng junkshop at sila ay naging magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging maayos ang hanapbuhay ni Dave at nakakapagpadala pa siya ng pera sa kanyang mga kapatid.

Nguni't naganap ang pandemya ng COVID-19 at naapektuhan ng lockdown ang trabaho ni Dave.

Naghanap siya ng ibang pagkakakitaan para tuloy ang suporta niya sa kanyang mga kapatid, nguni't wala siyang mahanap.

Inalok siya ni Jayson na mapagkakakitaan ng mabilis—ang pagsasayaw ng hubad online, sa TikTok. Kapalit ng pera ng mga customer ay ang mga seksing litrato at video ni Dave.

Dahil desperado, pinasok ni Dave ang inialok ni Jayson.

Hindi inakala ni Dave na aabot siya sa puntong magpe-perform din siya nang live na sexual act para mas lalong masiyahan ang kanyang mga parokyano.

Nagkasakit ang isang kapatid ni Dave at kailangan nito ng pampaospital, kaya napilitan si Dave na tumanggap ng "booking" kung saan nakikipagtalik na si Dave sa kanyang mga customer.

Nasundan ito nang nasundan hanggang sa dinapuan si Dave ng HIV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WOULD DAVE DO IT IN REAL LIFE?

Sa pamamagitan ng e-mail ay na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dave kahapon, Biyernes, October 1.

Mapangahas ang papel niya sa Magpakailanman.

Sa tunay na buhay, lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung sakaling dumating sa punto na wala na siyang trabaho, posible kayang matukso si Dave na maging online sex worker?

"Hindi naman. Marami namang way na pwedeng pagkakitaan. I don’t judge people kung ginagawa nila ‘yan, they have their reasons.

"Kung tutuusin napakatapang nila but I don’t see myself sa ganong bagay."

Sa interview ng PEP.ph kay Dave ilang buwan na ang nakararaan, nabanggit niya na may indecent proposals siyang natatanggap. Ngayon ba ay mayroon pa rin?

Mas lalo bang dumami? Ano na so far ang biggest offer na natanggap niya?

"Sa ngayon wala naman. Before, ang offer sa akin ay bahay at kotse pero hindi ko tinanggap."

Hindi ba siya natukso sa mga tempting offers sa kanya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi naman po. Di naman ako materialistic na tao.

"At saka I’m still young, kaya ko naman ma-achieve yan. It takes time, darating din ang panahon para sa akin na galing din sa mga pinaghirapan ko."

Ano ang opinyon niya sa mga lalaking napilitang maging sex worker dahil sa kawalan ng pera?

"I don’t want to judge them. But the fact that they are doing it for their family just to survive this pandemic, sobrang respect sa kanila!"

DARING SCENE

Ano ang pinaka-daring na eksena niya sa Magpakailanman? Paano niya iyon nagampanan o nagawa nang mabuti?

"Ang pinaka-daring na nagawa ko ata sa mga eksena is yung nakipagkita na siya sa mga clients niya to take service.

"Since first time naman ng character ko sa ganun, I just let it slip and see kung anong mangyayari.

"It was really hard knowing that I haven’t experienced those kind of scenes in real life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW DAVE DEALT WITH DEPRESSION

Nakaranas ba si Dave ng depression o anxiety attack ngayong panahon ng pandemya? Paano niya iyon pinaglabanan?

"Lahat naman yata dumaan sa lungkot or depression lalo na at naapektuhan yung source of income mo.

"Ang ginawa ko lang po ay sinayaw ko lang. I create opportunities through teaching dance class online at maliit na negosyo para may magawa at ma-divert yung attention ko instead na mamroblema, gawa ng paraan at diskarte lang.

"Alam naman natin hindi tayo papabayaan ni Lord.

"Galaw lang."

Kasama rin sa naturang Magpakailanman episode sina Luke Conde, Raquel Pareno, Karenina Haniel, at James Teng.

Ito ay sa direksyon ni Jorron Monroy, sa pananaliksik ni Karen Lustica at panulat ni Vienuel Ello, ngayong Sabado ng gabi, 8:15 sa GMA-7.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dave Bornea stars as a man forced to sell his body online for his family in tonight's episode of "Magpakailanman."
PHOTO/S: Magpakailanman, GMA-7 PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results