Engaged na si Jordan Herrera sa kanyang longtime girlfriend na si Michelle Lopez.
Sinorpresa ng dating sexy actor ang kanyang girlfriend sa kaarawan nito.
“I pulled off her birthday surprise and she said yes![ring and praying hands emojis]” caption ni Jordan sa ipinost niyang mga larawan via Instagram.
Sa unang larawan ay makikitang sinusuot niya ang engagement ring kay Michelle, at ang pangalawa ay ang pagpapa-picture nila habang nakaakbay ang aktor sa fiancée.
Kalakip din sa caption ang isang Bible verse: “And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them. 1 John 4:16”
Si Jordan at Michelle ay labingwalong taon nang magkarelasyon.
Mayroon silang dalawang anak na teenagers, sina Tiffany at Jaydan.
Ang check-in ng proposal ni Jordan ay Irvine & Roberts Vineyards, isang tourist spot sa Oregon sa U.S.
Sunud-sunod naman ang pagbati mula sa mga showbiz friends ni Jordan.
Nag-iwan sila ng congratulatory messages sa post ng aktor. Kabilang dito sina Mark Herras, Rodjun Cruz, Jayson Gainza, Edgar Allan Guzman, Jose Saralosa, Janus del Prado, Jestoni Alarcon, at Christopher Roxas

