Hindi lang isa kundi dalawang beses aksidenteng sumemplang sa stage si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez.
Una ay noong hindi pa siya nakokoronahang Miss World Philippines, at inaanunsiyo pa lang ang mga premyo para sa mananalong Miss Eco Teen Philippines.
Nakahilera sa elevated platform ng stage noon ang sampung kandidata habang hinihintay ang announcement of winners.
Hindi ito nahagip ng camera sa live stream ng pageant, pero may ilang netizens ang nakakalap ng video nito.
Nakatayo malapit sa gilid ng hagdan si Tracy nang mawalan siya ng balanse at gumulong pababa ng stage na may limang baitang.
Maririnig na napasigaw si Miss Environment Philippines 2021 Michelle Arceo, na nasa gawing kaliwa noon ni Tracy.
Nang mga sandaling iyon ay malapit lang si Xian kay Tracy kaya maagap na inalalayan ng aktor ang dalaga.
Tinulungan ni Xian na makatayo si Tracy, at sinigurong bumalik na ang balanse nito bago inalis ang pagkakahawak niya rito.
Listo rin si Reina Hispanoamericana Filipinas 2021 Emmanuelle Vera, na nakapuwesto sa gawing kanan ni Tracy.
Ipinasa ni Xian kay Emmanuelle ang pag-alalay kay Tracy paakyat ng puwesto nito sa elevated platform.
TRACY'S SECOND FALL
Ikalawang beses na nadulas si Tracy nang siya ay pumarada para sa kanyang first walk bilang bagong Miss World Philippines titleholder.
Napasigaw uli ang ibang mga kandidata, pati na rin ang ibang manonood sa audience, dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Inalalayan si Tracy ng mga kapwa kandidata at pati na rin ang chairman of the board of judges na si Senator Juan Miguel "Migz" Zubiri, na naroon pa sa stage nang mga sandaling iyon.
Kung masakit man ang pagkasemplang ni Tracy, hindi niya ipinahalata at makikitang natawa pa siya sa sarili.

XIAN PAYS TRIBUTE TO MISS WORLD PH CANDIDATES
Pagkatapos ng coronation night, nag-tweet si Xian sa pageant fans na tinutukan ang Miss World Philippines na ang program proper ay tumagal ng anim na oras.
Umapela rin siya na sana ay maintindihan ng mga manonood na mahirap tumayo sa stage ng mahigit sa sampung oras, puwera pa ang ilang araw na ensayo.
Mensahe ni Xian, "To all the pageant fans, thank you for the love and support.
"Being up on stage for more than 10 hours plus countless days of rehearsals for the candidates can really take a toll on their stamina."
May pahiwatig na mensahe rin si Xian sa feedback ng ibang netizens na umangal sa sobrang tagal ng program at gaps sa show.
Aniya, "All the candidates gave it their best shot and that is what's important.
"Yes, It took a while for the pageant to finish but this is the fruit of their hard work and dedication."
XIAN APPLAUDS Q&A PERFORMANCE OF CANDIDATES
Sa hiwalay na Instagram post ni Xian, muli siyang nagpasalamat sa mga matiyagang tumutok sa pageant.
Inihayag din niya ang paghanga sa Miss World Philippines 2021 candidates na maganda ang performance sa Q&A portion.
Ang mga katanungan ay sumentro sa relevant issues na may kaugnayan sa COVID-19 pandemic at safety protocol concerns.
May katanungan din kung paano titimbangin ng isang babae kung uunahin nito ang responsibilidad sa mga batang anak o pagkandidato bilang pangulo ng bansa.
Pati mga isyu sa usaping pag-ibig ay naitanong din sa ibang kandidata.
Sabi ni Xian: "Thank you to all the pageant fans who tuned in last night. It was a long stretch but this truly shows the passion and dedication the Miss World candidates have for their craft.
"This also reveals that pageantry is more than just a competetion among women but shines light on important issues our nation and the world is currently facing [crown and heart emojis].
"Kudos and hands down to all the women up on stage last night."
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
