Sina Herbert Bautista, Monsour del Rosario, at Robin Padilla ang tatlo sa mga showbiz personality na kakandidato na senador sa eleksyon sa May 9, 2022.
Tatakbo sina Herbert at Monsour sa ilalim ng partido ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ngayong October 6, Miyerkules, naghain sila ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections sa Sofitel Harbor Gardent Tent sa Pasay City.
Kapartido nina Herbert at Monsour si Senator Panfilo Lacson at Senator Tito Sotto.
Ngayong araw din naghain si Lacson ng certificate of candidacy niya bilang pangulo at kasama niya ang running mate na si Sotto.
MONSOUR DEL ROSARIO
Nang humarap si Monsour sa mga miyembro ng media, ipinagmalaki niya ang kanyang mga panukalang-batas noong nanungkulan siya bilang house representative ng Makati City First District mula 2016 hanggang 2019.
Aniya, "Yung proudest na batas na nagawa ko ay yung batas na ginagamit natin ngayon— yung batas na Telecommuting Act of 2018. I did this on my seventh month in office."
Ang RA 111651 o An Act Institutionalizing Telecommuting As An Alternative Work Arrangement for Employees In The Private Sector ay naglalayong protektahan ang remote work arrangement tulad ng work from home setup ngayong pandemya.
Noong 2017, nagsumite ng panukala sa telecommuting sina Senators Cynthia Villar at Joel Villanueva.
Sumunod dito noong 2018 ang paghain ng Telecommuting Act ang mga kongresista na sina Randolph Ting, Elray Villafuerte, Alfred Vargas, Monseur del Rosario, John "Yul" Servo, at John Sy-Alvarado.
Patuloy ni Monsour: "God willing po at ako po ay mapagbigyan po ninyo dito sa bansang Pilipinas na maging senador ninyo, I think I can contribute a lot with my experiences in life.
"Being a national taekwando athlete for many years, fighting for our country, giving glory for our country, later on, being a leader for many Philippine national teams competing around the world in different national competitions plus my nine years in public service.
"Wala man akong gamot sa COVID, but I believe I have plenty of fresh ideas, new perspectives na mako-contribute po natin sakaling makapasok tayo sa Magic 12 [ng Senado]."
HERBERT BAUTISTA
Tatlong taong nagpahinga sa pulitika si Herbert.
Bago iyon ay siyam na taon siyang naglingkod bilang alkalde ng Quezon City mula June 2010 hanggang June 2019.
Muling binalikan ni Herbert ang showbiz dahil tinanggap niya ang alok na maging bida ng television remake ng Puto ng TV5 at Viva Television.
Ang Puto ang blockbuster comedy movie ng Viva Films na pinagbidahan din ni Herbert noong 1987.
Kahit hindi nawala ang mga haka-haka na babalikan niya ang mundo ng pulitika, marami pa ring nasorpresa sa desisyon ni Herbert na tumakbo na senador para sa halalan sa darating na taon.
Inaabangan naman ang pagdating ni Robin sa COMELEC para sa paghahain niya ng certificate of candidacy bilang senador.
Si Robin ang bagong miyembro ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Nanumpa si Robin kahapon, October 5, na bagong miyembro ng naturang partido.
Si Cusi ang nagkumpirma ng balita na kakandidato si Robin na senador sa ilalim ng PDP-laban party para sa eleksyon sa 2022.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.