Ping Lacson and running mate Tito Sotto file COCs for 2022 elections

by Bernie V. Franco
Oct 6, 2021
Senators Tito Sotto and Ping Lacson submit their certificates of candidacy this Wednesday morning, October 6, 2021. Sotto will run for vice president, while running mate Lacson will once again run for president this 2021 elections.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Nagsumite na ng certificates of candidacy (COCs) ang running mates na sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ngayong Miyerkules ng umaga, October 6, 2021.

Si Lacson ay kakandidato para sa pagkapangulo, habang si Sotto ay tatakbo para sa pagka-bise presidente.

Dumating sina Lacson at Sotto sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City bandang ika-11:00 ng umaga.

Bagamat running mates, magkaiba ang kinabibilangan nilang partido.

Si Lacson ang chair ng ng Partido Reporma. Nanumpa siya bilang chairman ng naturang Partido noong July 2021.

Si Sotto naman ay ang chair ng Nationalist People’s Coalition.

Sina Lacson at Sotto ang naunang nagpahayag ng kanilang tandem para sa presidential-vice-presidential bid noong nakaraang buwan.

PING LACSON

Taong 2004 ay tumakbo rin sa pagka-pangulo si Lacson, pero natalo siya kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Kasalukuyan nasa ikatlong termino na siyang bilang senador. Naging senador siya mula 2001 hanggang 2013.

Continue reading below ↓

Nagsilbi rin siyang Philippine National Police chief sa termino ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Nanungkulan din siya bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery sa pamununo ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

TITO SOTTO

Si Sotto ay four-term senator. Nagsilbi siyang senador mula 1992 hanggang 2004. Ikatlong termino niya ang 2010 hanggang 2016.

Naging vice mayor naman siya ng Quezon City mula 1988 hanggang 1992.

Sina Lacson at Sotto ang principal authors din ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senators Tito Sotto and Ping Lacson submit their certificates of candidacy this Wednesday morning, October 6, 2021. Sotto will run for vice president, while running mate Lacson will once again run for president this 2021 elections.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results