Kinilala ng ABS-CBN ang "decades of service" ni Noli "Kabayan" de Castro bilang pioneer news anchor ng daily newscast na TV Patrol.
Ngayong Huwebes ng gabi, October 7, ang huling araw niya bilang Kapamilya dahil siya ay kakandidatong senador sa 2022 elections.
Sa huling gap ng TV Patrol, binalikan ang pagsisimula niya bilang broadcaster sa DZMM nang magbukas ang ABS-CBN matapos ang EDSA Revolution noong 1986.
Taong 1987 nang pangunahan niya bilang main news anchor ang prime-time newscast na TV Patrol.
Taong 1988 nang maging anchor siya para sa weekly public affairs program na Magandang Gabi... Bayan.
Nag-resign siya sa ABS-CBN noong 2000 nang kumandidato siyang senador.
Nanalo siya noong 2001 elections at nagsilbing senador hanggang 2004. Naging Vice President din siya mula noong 2004 hanggang 2010.
Nagbalik si Noli sa ABS-CBN at sa TV Patrol noong 2010.
NOLI'S FAREWELL MESSAGE
Pagkatapos ipalabas ang AVP ng kanyang serbisyo sa ABS-CBN, pormal na nagpaalam si Noli sa buong puwersang bumubuo ng ABS-CBN News, sa management, at sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa network.
"Matapos ang malalalim na pagsusuri at taimtin na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang senador sa halalan sa susunod na taon.
"At dahil sa hakbang na ito, kinakailangan ko iwan ang TV Patrol at ang ABS-CBN para ipagpatuloy ang serbisyo publiko sa ibang larangan."
Inihayag din ni Noli na ibinuhos niya ang lahat sa mga oportunidad na ibinigay sa kanya ng kumpanya.
"Lubos po akong nagpapasalamat sa maraming taon na tayo'y nagkasama sa bawat balita na inihandog ko sa inyo.
"Mula sa mga malagim na trahedya hanggang sa masayang kuwento ng tagumpay, ginawa ko po sa aking makakaya, ayon sa aming obligasyon na maghatid ng katotohanan.
"Masakit man ang magpaalam sa programang minahal ko at naging buhay ko, at sa mahabang samahan sa mga kapamilya sa ABS-CBN, ako'y humaharap sa mga hamon sa panibagong yugto sa aking buhay."
Iniiwan daw niya sa mga susunod na henerasyon na mga mamamahayag at tagapagbalita ang "bagong simula ng TV Patrol."
ABS-CBN ACCEPTS NOLI'S DECISION
Tinanggap ng ABS-CBN ang desisyon ni Noli de Castro na iwan ang kanyang trabaho sa network.
Narito ang opisyal na pahayag ng pamunuan ng ABS-CBN, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi:
"Our Kapamilya, Noli 'Kabayan' de Castro has informed us of his plan to run for public office in the coming 2022 national elections.
"We respect his personal decision and wish him well as he aims to continue his service to the nation as a government official.
"In adherence to our company policy, Kabayan will move on from his anchor duties in TV Patrol, Kabayan, and Teleradyo Balita once he formally files his certificate of candidacy."
Tinawag ng pamunuan ng ABS-CBN na isa si Noli sa haligi ng ABS-CBN News.
"We thank Kabayan for his decades of service in ABS-CBN News, where he led iconic shows and spearheaded public service efforts while also serving as a mentor to generations of broadcast journalism in the organization.
"TV Patrol has endured because of the solid foundation he and the team of ABS-CBN news journalists have built on over the years—a process that will continue as we evolve and thrive during these changing times."
