Ciara Sotto on Senator Kiko Pangilinan's VP bid: "I cried because I am so hurt and disappointed"

by Rose Garcia
Oct 9, 2021
Ciara Sotto admits to crying when she found out that her cousin-in-law Senator Kiko Pangilinan will be her dad Senator Tito Sotto's rival in the 2022 vice-presidential race: “I cried because I am so hurt and disappointed."
PHOTO/S: @pinaypole on Instagram

Sa desisyon ni Senator Kiko Pangilinan na tumakbo bilang bise presidente sa May 2022 election, magiging katunggali niya ang Senate President na si Tito Sotto.

Hindi man sila related by blood, pero ang misis ni Senator Kiko na si Sharon Cuneta at ang misis ni Senator Tito na si Helen Gamboa ang mag-tiyahin at "nanay-anak" ang turingan sa isa’t isa.

Kapatid ni Helen ang ina ng Megastar na si Elaine Gamboa-Cuneta.

At ang bunsong anak nina Tito at Helen na si Ciara Sotto ay malapit din sa pinsan niyang si Sharon, kaya naisipan ng writer na ito na kumustahin si Ciara sa pamamagitan ng private message sa Facebook Messenger.

Ano kaya ang reaksiyon niya sa Tito versus Kiko sa pagka-bise presidente?

Hindi siya agad nag-reply.

Makalipas ang isang araw na pag-iisip at pagdarasal, saka siya nagdesisyong magsalita tungkol sa totoong emosyon niya.

Masakit para kay Ciara ang nangyayari.

At kung naging tahimik man siya dati tungkol sa mga usaping pulitikal na sangkot ang kanyang ama ay hindi niya mapigilang maiyak sa pagkakataong ito.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ciara na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng private message ngayong Sabado, October 9, 2021, “I have always been quiet, ignoring negative, mean and slanderous comments about my dad made by judgmental people, whether I know them personally or not, as if they know everything and us very well.

“I prayed if I should voice out my true emotions when asked about Kuya Kiko running against dad for VP…

“I cried because I am so hurt and disappointed.

"It made me feel that my parents were of no value after all. Ate [Sharon] has always been considered and treated like a daughter by my dad and especially my mom.

“I will continue to pray for them, and of course, for my dad and his protection, wisdom, discernment, and I praise and thank God for giving me him as my earthly father.”

Sa isang banda, sa Facebook account ni Ciara, may post ito noong October 8 na, “The best thing about the worst time of your life is that you get to see the true colors of everyone.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ciara Sotto admits to crying when she found out that her cousin-in-law Senator Kiko Pangilinan will be her dad Senator Tito Sotto's rival in the 2022 vice-presidential race: “I cried because I am so hurt and disappointed."
PHOTO/S: @pinaypole on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results