PNP Chief Guillermo Eleazar vows to punish actor Jake Cuenca over car-chase incident

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2021
PNP chief Guillermo Eleazar on actor Jake Cuenca: “Sa iyong ginawa, tinitiyak nating mananagot ka sa pambabastos mo, hindi lamang sa mga pulis kundi sa batas with proper investigation at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Mabigat ang mga salitang binitiwan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang recorded video message ngayong Lunes, October 11, tungkol sa insidenteng kinasasangkutan ng aktor na si Jake Cuenca.

Hindi direktang binanggit ni Eleazar ang pangalan ni Jake, na pinaratangan niya ng pambabastos sa mga miyembro ng PNP sa insidenteng nangyari sa Mandaluyong City at Pasig City noong Sabado ng gabi, October 9, 2021.

Inakusahan din ng PNP chief si Jake na ginawang eksena sa teleserye at pelikula ang pangyayari.

Sa panayam sa Eastern Police District director na si Police Brigadier General Matthew Baccay kahapon, October 10, sinabi nitong nagsasagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad nang dumaan ang sasakyang minamaneho ni Jake.

Pinara raw ng mga pulis ang sasakyan ni Jake pero hindi huminto kaya nagkaroon ng habulan mula sa Mandaluyong City at umabot sa West Capitol Drive, Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Ayon pa kay Baccay, pinaputukan ng mga pulis ng baril ang gulong ng sasakyan ni Jake na dahilan para tamaan ng ligaw na bala ang 43-year-old Grab delivery driver na si Eleazar Martinito.

Continue reading below ↓

May mga kumampi sa naging aksyon ni Jake dahil hindi raw nakauniporme ang mga pulis na humarang sa aktor.

Dahil dito, tumanggap ng mga batikos ang police authorities na humabol kay Jake.

Ayon kay Eleazar, nauunawaan niya ang sentimyento ng ilan sa mga kababayan natin tungkol sa insidenteng ito. Pero pinanindigan niyang mali ang aktor kaya ito nangyari.

Matigas ang boses na pahayag niya: "Now, we understand the negative sentiments of our kababayan on this issue, but let us not forget why this incident happened in the first place.

"May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula. Hindi tumigil nang pinapapara.

"Being an actor and a public figure, he must set a good example for people who idolize him by owning up to his mistake and facing its consequences.

“Sa iyong ginawa, tinitiyak nating mananagot ka sa pambabastos mo, hindi lamang sa mga pulis kundi sa batas with proper investigation at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili.”

Continue reading below ↓

STRAY BULLET

Humingi naman ng paumanhin si Eleazar sa Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala nang paputukan ng mga awtoridad ang gulong ng sasakyan ni Jake.

“First, I would like to apologize to the Grab driver who was hit by stray bullet in this incident.

"I would like to assure you and your family that the PNP is taking care of all the medical expenses of your hospitalization.

"We shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery.

"Second, the director of Eastern Police District Police Brigadier General Matthew Baccay has already placed all the personnel involved under restrictive custody while the investigation is being conducted.

“We assure the public that disciplinary measures will be imposed on the personnel involved and corrective measures will be implemented if lapses will be find out in order to prevent the repeat of this incident.”

Wala pang pahayag ang kampo ni Jake Cuenca tungkol sa isyung ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP chief Guillermo Eleazar on actor Jake Cuenca: “Sa iyong ginawa, tinitiyak nating mananagot ka sa pambabastos mo, hindi lamang sa mga pulis kundi sa batas with proper investigation at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results