PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla on what she learned from Andrea Torres

Andrea on closeness with Kylie: "No filter talaga."
by Rachelle Siazon
Published Oct 15, 2021
Kylie Padilla on friendship with Andrea Torres: "Na-appreciate ko nakahanap ako ng kaibigan in showbiz, and di siya madali gawin. Hindi mo mararamdaman na nakikipag-compete siya—yung nararamdaman mo sa ibang artista."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla Instagram

Hindi kaila sa publiko na parehong may pinagdaanang pagsubok sa kani-kanilang buhay pag-ibig sina Kylie Padilla, 28, at Andrea Torres, 31.

Pareho rin silang strong and independent type of women kaya marahil mabilis nabuo ang magandang samahan nila on and off cam.

Hindi naman itinago ni Kylie ang paghanga niya sa galing daw ni Andrea na magdala ng sarili.

Tinawag ni Kylie si Andrea sa palayaw nito na Ada.

Sabi ni Kylie, "Pinaka na-appreciate ko kay Ada, buo yung pagkatao, and your values are intact

"And yung confidence mo sa sarili mo. Basta yun ang masasabi ko. Sobrang hinangaan ko yun, especially the way see the way she handles her career.

"Ang natutunan ko kay Ada, handle everything with grace."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaintment Portal) sina Kylie at Andrea noong October 11.

Nagkatambal ang dalawa sa BetCin, ang girls' love series na ipalalabas sa We TV simula ngayong Biyernes ng gabi, October 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa loob ng panahong nagkatrabaho sila ay nagmarka raw talaga kay Kylie ang mga magandang katangiang napuna niya kay Andrea.

"Totoo talaga, andami ko natutunan. I mean, even when she's not talking, mag-observe ka lang, e.

"The way she loves her family, yung Instagram niya... talagang everything is in its place.

"And it's so pure. Parang gusto ko maging ganun."

Natatawang singit ni Andrea, 'Huy! Ganun ka kaya!"

Kontra ni Kylie, "Hindi! Kasi marami akong angst, e!"

Sabay nagtawanan ang dalawa.

kylie considers andrea a GOOD FRIEND

Itinuturing na ni Kylie na kaibigan si Andrea kahit tapos na nilang gawin ang series.

Malaking bagay ito kay Kylie dahil sa karanasan niya ay hindi raw madaling makahanap ng kaibigan sa mga kasabayang artista.

"Na-appreciate ko nakahanap ako ng kaibigan in showbiz, and di siya madali gawin.

"Maganda siya, sexy siya, [pero] it's not in her head.

"Hindi mo mararamdaman na nakikipag-compete siya—yung nararamdaman mo sa ibang artista," sabay napahinto at napahalakhak si Kylie sa pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Kylie, "So yun, wala akong naramdamang ganun."

Maganda raw ang impluwensiya sa kanya ni Andrea.

Ano ang isang bagay na nasabi sa kanya ni Andrea na nagmarka?

Sagot ni Kylie, "Hindi ko raw dapat makalimutan na special ako. It matters to me kasi. Thank you... Naiyak!"


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"NO FILTER" WITH EACH OTHER

Ikinumpirma ni Andrea na natuwa siya dahil mabilis silang nagkasundo ni Kylie.

Lalo pa't noong una silang nagkatrabaho sa GMA-7 series na Blusang Itim ay noon pang 2011.

Kuwento ni Andrea, "Marami kaming na-share talaga. Dito ko nakilala nang mabuti si Kylie.

"Nung Blusang Itim, bata pa kami. Nung nakikita ko siya sa Sunday shows, sayaw- sayaw lang.

"May idea ako kung ano siya, pero ngayon ko siya naka-heart-to-heart.

"Pag nakilala mo siya, parang gusto mo siya i-hug lagi. Parang may gusto ka lang lagi gawin for her.

"Sobrang bait niya. Sobrang pure. What you see is what you get. Very sincere na tao."

Malinaw sa kanila ang pinagdaanan ng isa't isa.

"Feeling ko, pareho kami ng wavelength, e. Hindi umabot sa point na nagbigay kami ng advice sa isa't isa.

"More of nagkuwentuhan lang. Nagkataon lang na sobrang comfortable namin.

"Wala. No filter talaga. Lahat nasabi na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLIE AS A DEVOTED MOM

Gustung-gusto rin daw ni Andrea ang ugali ni Kylie bilang ina sa dalawa nitong anak na sina Alas at Axel.

"Kapag di na rolling, makikita mo napaka-strong niyang tao. Lagi siya nagbi-video call sa mga kids niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, nakakahanga ito. Parang everything is in order sa kanya.

"Tsaka lagi mo maririnig sa kanya, 'for my kids.'"

Doon daw napagtanto ni Andrea na malaki ang ipinagbago nila ni Kylie mula nang una silang nagkatrabaho noong 2011.

"Kaya nakaka-proud, 'Ay, ganun na siya mag-isip ngayon.'

"Compared nung una ko siya nakilala, pinag-uusapan namin shoes, damit, bag...

"Kaya sabi ko sa kanya, 'Pag na-meet ko kids mo, sasabihin ko talaga ang suwerte niyo!' Kailangan nila malaman 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on friendship with Andrea Torres: "Na-appreciate ko nakahanap ako ng kaibigan in showbiz, and di siya madali gawin. Hindi mo mararamdaman na nakikipag-compete siya—yung nararamdaman mo sa ibang artista."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results