Kahit na maraming artista ang tatakbo sa darating na May 2022 elections, walang balak si Snooky Serna na subuking pasukin ang mundo ng pulitika.
Kuwento ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "No, hindi talaga, it's not in my personality to join or to desire to join politics.
"Pero nung kabataan ko, may mga nag-e-encourage sa akin, pero talagang hindi ko gusto. "
Pero ang karelasyon ni Snooky na si former Bulacan Vice-Governor Ramon Villarama ay tatakbo sa nalalapit na eleksiyon.
"He is running for congressman sa Bulacan, sa District 6—Norzagaray, Sta. Maria, at saka Angat.
"And I'm very happy for him kasi I know he's going to be a good public servant."
Sapat na kay Snooky ang magbigay ng suporta.
"Oo, iyon talaga. Gusto ko lang siyang suportahan, I just wanna give him the moral support sa kanyang magandang adhikain at saka kung...if God will will it na ako naman ay makakatulong in my own little way then so be it.
"But kung ako mismo sa sarili ko ang magiging nasa pulitika, it's not my cup of tea."
CONTENT WITH ACTING CAREER
Ang pag-aartista raw talaga ang mundo ni Snooky, at masaya na siya rito.
Sa katunayan, kasali siya sa cast ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye ng GMA.
Mabigat na drama ang programa. Mabibigat rin ba ang mga eksena ni Snooky dito bilang si Susan?
"Alam mo, nakakatuwa kasi the production team, the writers, our directors, they gave importance dun sa role ng mom, meaty yung role ko.
"It's not just a token role na okay, may mommy, masabi lang na may mommy, ganun.
"Meron siyang, very participating siya, meron siyang participation talaga sa buhay ng anak niya at marami din akong drama-drama dito."
Pang-acting award ba ang ginampanan niyang papel sa serye?
"Ewan ko," at tumawa si Snooky. "Basta ang masasabi ko, nag-enjoy ako sa paggawa nitong show, really, sincerely. Kasi I like the way the mother presented herself.
"Si Susan, yung role ko, I really like her character na talagang very unconditional yung love niya sa anak niya.
"Na she will do anything, even to dodge a bullet for her child, for her children, kasi dalawa yung anak ko dito, si Max at saka si Klea."
Isa siyang ulirang ina sa show.
"Medyo," at tumawang muli si Snooky, " I try!"
Tampok sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye ang mga karakter nina Joyce at Bruce, na ginagampanan nina Klea Pineda at Jak Roberto.
Gumaganap naman bilang si Victoria si Lauren Young, at sina Shermaine Santiago bilang Dr. Darla; Max Eigenmann bilang Jackilyn; Kim Rodriguez bilang Lily; Art Acuna bilang Bernard; Phytos Ramirez bilang Joshua; Mosang bilang Nay Cora; Luke Conde bilang Edwin; at si Herlene Budol bilang Alana.
Ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye ay sa direksyon ni Paul Sta. Ana at associate director Pam Miras, at napapanood sa GMA Afternoon Prime.
