Watch Now

Tom Rodriguez and Carla Abellana are now married

by Bernie V. Franco
Oct 23, 2021
Actress Carla Abellana walks down the aisle as she gets married to longtime boyfriend Tom Rodriguez.
PHOTO/S: Pat Dy, @gmanetwork_fcc on Instargam

Kasal na ang showbiz couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nangyari ang solemn wedding ng longtime couple sa isang simbahan sa San Juan, Batangas ngayong Sabado, October 23, 2021.

Bagamat intimate at piling tao lamang ang mga dumalo, unti-unti nang lumalabas sa social media ang ilang kuhang larawan at videos ng pag-iisang dibdib nina Carla at Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa-isang ipinu-post ang mga wedding outtakes ng showbiz couple ng official photographer nilang si Pat Dy at ang kanyang team.

Lumutang ang kagandahan ni Carla sa larawan niya habang papasok sa simbahan suot ang kanyang white wedding dress.

Sa isang video naman, mapapanood na si Carla ay inihatid sa altar ng kanyang mga magulang: ang seasoned actor na si Rey “PJ” Abellana at inang si Rea Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapansin ding hindi puno ang simbahan at sinusunod ng mga dumalo ang protocols kagaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Sa isang larawan naman, makikita si Tom na naghihintay sa bride. Matipuno ang actor sa kanyang black suit at bakas sa mukha niya na bagamat nakangiti ay mistulang maiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May larawan ding kuha ang dalawa mula sa likod habang nakaharap sa altar.

Sa isa pang photo ay makikita silang nakaluhod habang ino-officiate ng pari ang misa.

Na-engage ang dalawa noong March 2021 pagkatapos ng pitong taong relasyon.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Carla Abellana walks down the aisle as she gets married to longtime boyfriend Tom Rodriguez.
PHOTO/S: Pat Dy, @gmanetwork_fcc on Instargam
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results