PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Princess Mako of Japan weds commoner Kei Komuro

"Kei is irreplaceable"
by Bernie V. Franco
Published Oct 26, 2021
After being engaged four years ago, Princess Mako of Japan finally marries "commoner" fiance Kei Komura this Tuesday, October 26, 2021.
PHOTO/S: Nippon TV News 24 Japan

Ikinasal na ang prinsesa ng Japan na si Princess Mako, 30, sa kanyang “commoner” fiancé na si Kei Komuro, 30.

Ginanap ang private wedding ng college sweethearts ngayong araw ng Martes, October 26, 2021.

Nagkakilala ang dalawa nang mag-aral sila sa International Christian University sa Tokyo, Japan.

Si Princess Mako ay anak nina Crown Prince Fumihito at Crown Princess Kiko ng Japanese Imperial family.

Sa ilalim ng batas ng Japan, isusuko ni Princess Mako ang kanyang royal status dahil sa pagpapakasal niya sa isang ordinaryong mamamayan.

Samantala, kung ang isang lalaking may royal blood ang magpapakasal sa isang commoner, hindi niya kailangang isuko ang kanyang royal status. Sa katunayan, ang kasalukyang empress na si Masako ay isang diplomat bago napangasawa ni Emperor Naruhito.

ANG KASAL NI PRINSESA MAKO

Hindi na rin sinunod ni Princess Mako ang rituals ng isang royal wedding.

Hindi na rin tatanggapin ni Princess Mako ang ibabayad dapat sa kanyang 150 million yen ($1.35 million, katumbas ng PHP67 milyon), na one-time payment sa isang royal blood matapos isuko ang kanyang royal status.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, inaasahang sa Amerika na maninirahan sina Princess Mako at Komuro matapos magpakasal.

Si Komuro ay muling nag-aral at nagtapos ng law sa Fordham University School of Law sa U.S.

Nakakuha rin siya ng trabaho bilang clerk sa Lowenstein Sandler, isang law firm sa New York.

Unang inanunsiyo ang engagement nina Princess Mako at Komuro noong 2017, pero dumaan sa maraming pagsubok ang kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natagalan ang kanilang pagpapakasal dahil nabalot ito ng kontrobersiya, isa na rito ang paglabas ng mga balitang may utang umano ang ina ni Komuro sa former fiancé nito at hindi nabayaran.

Samantala, matinding kritisismo rin ang inabot ng Princess Mako mula sa publiko dahil sa pagpapakasal niya sa isang "commoner."

Humingi naman ng paumanhin si Princess Mako sa isang presscon ngayong Martes.

“I am very sorry for the inconvenience caused and I am grateful for those... who have continued to support me," ang sabi niya sa Japanese government-owned broadcast corporation na Nippon Hoso Kyokai.

"For me, Kei is irreplaceable—marriage was a necessary choice for us."

Ganito rin ang sentimiyento ni Komuro pagdating sa kanyang college sweetheart.

Mula nang ma-engage sila noong 2017, hindi na tumigil ang negatibong publicity sa dalawa, dahilan para magkaroon ng post-traumatic stress disorder si Princess Mako, ayon sa Imperial Household Agency.

Ikinumpara rin ang sitwasyon nina Princess Mako at Komuro kina Prince Harry at Meghan Markle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Prince Harry ay isang royal blood ng Great Britain, habang si Meghan ay isang Hollywood actress.

Isinuko ni Prince Harry ang kanyang royal appointment noong March 2020, at siya at kasalukuyang nakabase ngayon sa United States kasama si Meghan.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After being engaged four years ago, Princess Mako of Japan finally marries "commoner" fiance Kei Komura this Tuesday, October 26, 2021.
PHOTO/S: Nippon TV News 24 Japan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results