"Magkikita tayong muli sa bayang banal, Pa!"
Ito ang mensahe ni Gladys Reyes tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama na si Sonyer Reyes.
Noong Lunes, October 25, ibinahagi ng Kapuso actress na negatibo sa COVID-19 ang kanyang ama.
Sabi sa caption ng kanyang Instagram: "Multiple organ failure (heart, lungs and kidney) but negative from covid.
"Thank you Pa, I will always be a Papa's girl! Mission accomplished."
Kalakip nito ay ang video na nagpapakita ng masayang alaala ni Gladys nang nabubuhay pa ang ama.
Sa video ay bigay na bigay sila sa pagkanta ng "The Way It Used To Be."
May litrato rin si Gladys na hawak niya ang kamay ng ama noong naka-confine ito sa Marikina Valley Medical Center.
Ngayong Martes, October 26, pinayagan si Gladys na magsagawa ng burol para sa kanyang ama.
Sa isang Instagram Story, sinabi ni Gladys na malaking bagay na walang COVID-19 ang kanyang ama.
Aniya: "At least we'll get to say a proper goodbye sa kanya. [We are] observing safety protocols siyempre.
"[We] sanitized the whole place and proper schedule [for visitors]."
Hapon ng Martes nang mag-update uli si Gladys at ipinakita na nagsimula na ang burol sa chapel.