PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Annabelle Rama on cyber libel complaint filed by Jayke Joson

Annabelle Rama brushes off cyber libel complaint filed by Jayke Joson.
by Arniel C. Serato
Published Oct 28, 2021
Talent manager Annabelle Rama stands by her accusations against Jayke Joson, former aide of Senator Manny Pacquiao: "Tumigil na siya, stop using me. Hindi naman ako kandidato. Kung hindi, ilalabas ko pa mga baho niya at lahat ‘yun, may ebidensya.”
PHOTO/S: Jerome Ascano / @iluvruffag on Instagram

Naglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) para kay Annabelle Rama ngayong Huwebes, October 28.

Ito ay kaugnay sa cyber libel complaint na inihain ni Jayke Joson laban sa talent manager sa NBI noong Martes, October 26.

Si Jayke ay ang dating personal aide ni Senator Manny Pacquiao.

Sa lahat ng mga laban noon sa boxing ng Pambansang Kamao ay palaging kasama si Jayke. Dahil dito, tinagurian siyang "Pambansang Anino."

Nakasaad sa subpoena ng NBI Special Projects Team, kailangang pumunta si Annabelle sa kanilang opisina sa November 3, Miyerkules, alas-dos ng hapon.

Layon nitong magpaliwanag si Annabelle ng kanyang panig kaugnay sa reklamong inihain ni Jayke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, hindi si Annabelle ang mismong nakatanggap ng subpoena kundi ang village security guard sa kanilang tinitirhang subdivision.

Nag-ugat ang reklamo ni Jayke dahil sa series of tweets ni Annabelle noong October 22, kung saan isiniwalat niya ang mga hindi magandang ginawa umano ng dating aide ng boksingero.

Ito raw ang tunay na dahilan kaya nagkaroon ng lamat ang samahan nina Senator Manny at Jayke.

Dagdag pa sa ulat ng ABS-CBN, pinanindigan daw ni Annabelle ang kanyang mga nasabi laban kay Joson.

Giit niya, “I am always right. Lahat ng kaso ko pinanalo ko! Tumigil na siya, stop using me. Hindi naman ako kandidato. Kung hindi, ilalabas ko pa mga baho niya at lahat yun, may ebidensiya.”

Tumatakbo bilang kongresista si Joson sa ilalim ng Frontliners Party List.

JAYKE-MANNY FALLING OUT

Dinepensahan ni Annabelle si Pacquiao laban sa alegasyon ni Jayke na nagkalamat ang samahan nila dahil sa pera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Jayke, nag-ugat ang kanilang alitan sa laban dapat sana ni Manny kay Conor McGregor sa Las Vegas, Nevada sa ilalim ng Paradigm Sports.

Humingi raw si Manny ng advance payment na $2M o mahigit P100M.

Lahad ni Jayke sa panayam sa kanya ng SMNI News noong October 17, “Ang plano namin ni Senator Manny Pacquiao bago mangyari itong gulo, ‘Jayke, maghanap kayo ng laban na puwede na ako magretiro, at the same time mas marami tayong Pilipinong matulungan.’

“Yun po yung naayos namin ni Mr. Arnold Vegafria—kami po, Arnold Vegafria, ako, si Mr. Ping Nepomuceno—naayos po natin yung Paradigm Sports. Yun po yung Paradigm, 'yan po yung laban ni Manny Pacquiao at McGregor.”

Si Vegafria ang business manager ni Manny.

Bukod sa $2M dollars, humingi pa raw ulit si Manny ng karagdagang advance payment.

Pero hindi na raw pumayag ang Paradigm Sports kaya sila na raw ni Arnold ang nag-raise ng pondo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Jayke, “So, sabi namin dalawa ni Arnold, tayo na lang gumawa ng paraan para lang mapagbigyan si MP.

“Nakapag-raise po kami sa sarili naming pera na P65M. So, nakuha po niya P165M sa amin.

“P65M, sa amin dalawa ni Arnold, personal money. Nagkasanla-sanla po kami para lang itulong at ibigay kay Senator Pacquiao. And then, yung P100M, sa Paradigm.

“To cut the long story again, part 3, nabigay namin ang pera, nagkasanla-sanla po kami, nakuha niya yung pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami.”

Mariin naman itong pinabulaanan ni Annabelle sa sunud-sunod niyang tweets noong October 22, at binuweltahan si Jayke.

Kilalang malapit ang talent manager sa pamilya ni Pacquiao.

May balak din ang kampo ni Senator Pacquiao na ireklamo si Jake ng cyber libel at estafa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager Annabelle Rama stands by her accusations against Jayke Joson, former aide of Senator Manny Pacquiao: "Tumigil na siya, stop using me. Hindi naman ako kandidato. Kung hindi, ilalabas ko pa mga baho niya at lahat ‘yun, may ebidensya.”
PHOTO/S: Jerome Ascano / @iluvruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results