Sam Milby's father passes away at 86

by Rachelle Siazon
Nov 3, 2021
Sam Milby posts a photo of him holding hands (right) with his father Lloyd William Milby during the latter's last moments.
PHOTO/S: Sam Milby Facebook / Instagram

Pumanaw na ang ama ni Sam Milby na si Lloyd William Milby.

Ito ang inanunsiyo ni Sam sa kanyang Instagram ngayong Miyerkules, November 3 (Philippine time).

Tila lumipad si Sam sa kanyang hometown sa Ohio kunsaan nakapiling pa niya ang ama sa mga huling sandali nito.

Base ito sa litrato na ipinost ng 37-year-old Kapamilya actor kunsaan hawak niya ang kamay ng ama.

"Rest in peace dad.... love you," saad sa caption ni Sam.

Continue reading below ↓

Si Lloyd ay 86 taong gulang. Nabanggit ni Sam sa mediacon ng Halik noong 2018 na 49 years old ang kanyang American father nang siya ay ipinanganak.

Noong January 2020, ipinakita ni Sam ang pagbisita niya sa mga magulang sa bahay nila sa Ohio.

May kuha pa si Sam ng drone shot noon kasama ang kanyang ama.

Continue reading below ↓

Pero tila ang huling pagpunta ni Sam sa Ohio ay noong kasama niya ang nobyang si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

January 2021 nang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga litrato ni Catriona na mahihinuhang kuha sa malawak na pond sa tapat ng bahay ng mga Milby.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby posts a photo of him holding hands (right) with his father Lloyd William Milby during the latter's last moments.
PHOTO/S: Sam Milby Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results