Julia Montes pens heartwarming birthday message for Coco Martin: "Mahal ka namin."

by Arniel C. Serato
Nov 3, 2021
Julia Montes (right) to Coco Martin (left) on his 40th bithday: "May the joy that you have spread come back to you not only on this day but through out the rest of your life. Mahal ka namin."
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram

Isang madamdaming birthday greeting ang ibinahagi ni Julia Montes, 26, para sa ika-40 kaarawan ng boyfriend niyang si Coco Martin noong Lunes, November 1.

Tinawag pa ni Julia si Coco na “biyaya” sa lahat ng mga taong natulungan nito at nakatrabaho.

Mensahe ng aktres, “Sa taong sobrang magmahal sa kapwa, kaibigan, pamilya at sa trabaho. Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo.”

“Mahal ka namin” ang mababasang bahagi pa ng kanyang mensahe sa umano’y matagal nang karelasyon ng aktres.

Dagdag pa niya, “May the joy that you have spread come back to you not only on this day but through out the rest of your life.

“Mahal ka namin [heart emoji] Happy birthday!”

Matagal nang bulung-bulungang may namamagitan kina Julia at Coco mula nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012.

Noong April 2019, pumutok ang balita dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanganak na si Julia, na kinumpirma ng showbiz insiders.

Continue reading below ↓

Nakasaad din sa PEP.ph report na, ayon sa insiders, si Coco ang tatay ng anak ni Julia.

Bagamat may mga pahiwatig na tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, hindi pa rin direktang nagsasalita o umaamin sina Julia at Coco.

Sa grand presscon ng defunct show na Asintado noong January 2018, isa ang PEP.ph sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.

Dito ay inusisa namin si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.

Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.

"Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”

Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sagot ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

"So, kung as a boyfriend, yes."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes (right) to Coco Martin (left) on his 40th bithday: "May the joy that you have spread come back to you not only on this day but through out the rest of your life. Mahal ka namin."
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results