Yasmien Kurdi admits role in Jennica Garcia-Alwyn Uytingco reconciliation

by Rose Garcia
Nov 6, 2021
Jennica Garcia
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi (right) admits having a hand in Jennica Garcia's (left) reconciliation with husband Alwyn Uytingco. She advised Jennica, "Kailangan marunong kang mag-let go at mag-forgive. Siyempre, hindi mo kayang i-forget, but you have to forgive for the family.”

Bukod kina Thea Tolentino at Faith da Silva na gumaganap bilang mga kapatid niya sa Las Hermanas, kasama rin ni Yasmien Kurdi si Jennica Garcia.

Ginawa ni Jennica ang serye sa gitna ng paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Nabanggit namin kay Yasmien na isa pala siya sa puwedeng pasalamatan ni Alwyn na muli itong pinatawad at tinanggap ni Jennica.

Ayon kay Yasmien na happily married sa kanyang asawa, totoong nakakausap at nabibigyan din daw niya ng payo si Jennica habang nasa lock-in taping sila.

“Opo, nag-uusap kami ni Jennica palagi. Nagtatanung-tanong nga siya sa akin,” lahad ng aktres.

“Nagtatanong siya regarding her status. Naikukuwento niya nga po ang problema niya noong time na iyon, pero sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, kapag asawa mo, asawa mo. Kung kaya niyong ayusin, ayusin niyo.' Kasi may mga anak sila, e, dalawa, babae.”

"LET GO AND FORGIVE"

At masaya nga raw siya na malamang nagkabalikan na sina Jennica at Alwyn.

Continue reading below ↓

“Masaya ako ngayon na nagkaayos na sila, okay sila. I’m really happy for her. Yun naman din talaga. 'Til death do us part, sabi nga sa kasal.

“So kahit ano pa iyan, mga pagsubok iyan sa buhay. Mga pinagdadaanan. Kailangan marunong kang mag-let go at mag-forgive.

“Siyempre, hindi mo kayang i-forget, but you have to forgive for the family,” payo pa niya.

Sabi pa ni Yasmien, kahit naman daw sinong kaibigan niya ang magtanong o humingi ng payo sa kanya, ang lagi niyang sinasabi talaga ay ayusin.

Ayon dito, “Kasi, kung kaya mong ayusin, ayusin. Pero kung alam mo sa sarili mo na... kasi si Jennica, alam mo na mahal niya pa.

“Siyempre, asawa niya iyon and ilang years na silang married. So kahit ako naman ang nasa situation niya, I will do the same thing. Nakakahanga siya actually sa ginawa niyang desisyon.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi (right) admits having a hand in Jennica Garcia's (left) reconciliation with husband Alwyn Uytingco. She advised Jennica, "Kailangan marunong kang mag-let go at mag-forgive. Siyempre, hindi mo kayang i-forget, but you have to forgive for the family.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results