JK Labajo posts “kinikilig” selfie with girlfriend Maureen Wroblewitz

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2021
JK Labajo cheesy photo
Lea Salonga and Iza Calzado get kilig over JK Labajo and girlfriend Maureen Wroblewitz plane selfie (left). Meanwhile, the Miss Universe Philippines 2021 first runner-up acts as JK's personal make-up artist and stylist in the singer's photo shoot (right).
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos / @maurob on Instagram

Kinakiligan ng netizens ang cheesy post ng singer na si JK Labajo tungkol sa girlfriend niyang si Miss Universe Philippines 2021 first runner-up Maureen Wroblewitz.

Sa Instagram post ni JK noong October 31, makikitang nasa loob sila ng eroplano. Natutulog si Maureen sa kanyang balikat.

Sabi ng singer sa kanyang post, “May nakatabi ako kanina sa eroplano. Si miss nakatulog sa balikat ko kinilig naman ako kasi kamukha niya yung si Maureen Bolobiwizt.”

View this post on Instagram

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Sa comments section, maraming netizens ang kinilig sa post ni JK kabilang na ang celebrities na sina Lea Salonga at Iza Calzado.

JK Labajo Maureen Wroblewitz selfie celebs comments

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang nagsabing masuwerte si Maureen dahil katabi niya ang isang miyembro ng samahan ng mga pogi.

Sabi ng netizen, “grabii, swerte ni miss, member ng SAMAHAN NG MGA POGI ang katabi nyaaa haha”

Pabiro naman siyang sinalungat ni JK. Siya raw kasi ang founder ng nasabing samahan.

Buong sagot niya, “excuse me po, founder po”

JK Labajo Maureen Wroblewitz selfie

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram naman noong November 1, nag-post si Maureen ng dalawang short videos nila ng nobyo.

Sa isang video, mini-makeup-an ng beauty queen ang boyfriend.

Sa isa pang video, umasta naman siyang stylist kay JK.

Sabi ni Maureen sa caption, “if you need a stylist, makeup artist and hair stylist, dm me jk it‘s just for jk”

Mahigit isang taon na ang relasyon nina JK at Maureen mula nang sila ay umamin sa publiko.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga and Iza Calzado get kilig over JK Labajo and girlfriend Maureen Wroblewitz plane selfie (left). Meanwhile, the Miss Universe Philippines 2021 first runner-up acts as JK's personal make-up artist and stylist in the singer's photo shoot (right).
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos / @maurob on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results