Richard Gomez warmly welcomes daughter Juliana's rumored boyfriend in his cooking vlog

by Bernie V. Franco
Nov 4, 2021
Richad Gomez Juliana
Actor-politician Richard Gomez (left) features daughter Juliana Gomez (center) and her rumored boyfriend Miggy Bonnevie Bautista on his latest cooking vlog.
PHOTO/S: YouTube (Richard Gomez)

Kitang-kita kung paano kainit ang pag-estima ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa napababalitang boyfriend ng kanyang unica hija na si Juliana Gomez.

Si Juliana ang nag-iisang anak ni Richard at ng asawa nitong si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.

Sa cooking vlog ni Richard noong October 31, 2021, naging guest niya si Juliana at ang rumored boyfriend nitong si Miggy Bonnevie-Bautista.

Sa kalagitnaan ng video, pumasok sina Juliana at Miggy.

“Hello, Juliana. How are you, guys? Hi, Miggy. Come here. Halika, join me,” pag-iimbita ni Richard, na nagluluto ng home-made French fries.

Naibahagi rin ng actor-politician na nagtrabaho siya bilang crew member ng isang kilalang fast-food chain noong teenager pa siya.

“When I was young, when I was about 17, bagong graduate lang ako ng high school noon, I used to work in McDonalds. And the food that we would prepare… was French fries."

Kapansin-pansin din sa interaction nina Richard at Juliana ang kanilang closeness.

Continue reading below ↓

Mausisa si Juliana at matiyaga siyang sinasagot ni Richard habang patuloy itong nagluluto.

Si Miggy ay nasa gilid at tahimik na pinagmamasdan ang pagluluto ni Richard.

Nangingiti rin ang binata habang pinapanood na nagkukuwentuhan ang mag-ama.

Sa isang punto ng video, habang nag-uusap ang mag-ama, napansin ni Richard na nasa malayo si Miggy, kaya’t hinawakan nito sa braso ang binata para lumapit sa kanila.

Kapansin-pansin din sa body movement ni Richard na inestima niya si Miggy, gaya ng pagharap sa binata at pagkakaroon ng eye contact habang nagsasalita ang alkalde.

Richard Gomez daughter

Continue reading below ↓

Juliana Gomez boyfriend

Sa pagtatapos ng video, pinasalamatan ni Richard ang anak at si Miggy sa paglabas nila sa kanyang cooking show.

Sinabihan pa ni Richard si Miggy na mag-hi ito sa kanyang mga magulang.

Ani Richard kay Miggy: “Say hi to your Mom Jenny and to your Dad Carlo.”

Continue reading below ↓

Sumunod naman ang binata at binati ang mga magulang nito.

Sa kanyang parting words, hindi rin nakalimutan ni Richard na isali si Miggy.

Pagharap sa camera, sabi ni Richard, “Thank you so much. [This is] Juliana, Miggy, and Richard Gomez. Thank you all. I’ll see you soon.”

RICHARD COMFORTABLE WITH MIGGY

Samantala, ang maayos na pakikitungo ni Richard kay Miggy ay indikasyong pabor siya sa pagiging malapit ng binata kay Juliana.

Unang napaulat dito sa PEP.ph ang tungkol kina Juliana at Miggy noong February 2021.

Ito ay matapos i-post ni Miggy ang sweet photos nila ni Juliana habang nakaupo sa couch.

Nagpatuloy ang pagpo-post ng dalawa ng kanilang sweet photos at bonding moments, bagamat walang direktang pag-amin sa estado ng kanilang relasyon.

Si Miggy ay isang national athlete para sa fencing, na isa rin sa sports ni Juliana.

Si Richard naman ang current president ng Philippine Fencing Association.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Richard Gomez (left) features daughter Juliana Gomez (center) and her rumored boyfriend Miggy Bonnevie Bautista on his latest cooking vlog.
PHOTO/S: YouTube (Richard Gomez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results