Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia says she won't leave her boyfriend just because she won the crown

by Melba R. Llanera
Nov 8, 2021
beauty queen
Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia opens up about her non-showbiz boyfriend, wanting to work with Kapamilya actor Gerald Anderson, and her COVID-19 scare after winning the pageant in Turkey.
PHOTO/S: Rixos Sungate / Fotomafia via @f8garcia Instagram

Hindi itinago ni Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia na mayroon siyang non-showbiz boyfriend at halos limang taon na ang kanilang relasyon.

Si Alexandra ang unang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Aura International, at siya ring nag-uwi ng korona sa pageant na ginanap sa Antalya, Turkey, noong October 3.

Tinitiyak ni Faith na hindi porke't nanalo siya bilang Miss Aura International 2021 ay mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nila gaya ng nangyari sa ibang nanalong beauty queens.

"Yes, okay naman, and masaya and very supportive siya. Turning five next year," tukoy ni Faith sa kanyang nobyo.

Sabi pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ang dami na naming napagdaanan sa life namin.

"Itong pageant, wala namang dapat magbago kasi kung ano na yung before and after, in and out the camera, the same pa rin naman."

Kung titingnan ang Instagram account ni Faith ay walang bakas ng litrato ng kanyang nobyo.

Continue reading below ↓

Pero aniya, ang kanyang boyfriend ay isang triathlete gaya niya.

"Our relationship is okay. IT siya and triathlete din siya. Dun kami nagkakilala," saad ni Faith.

Nakapanayam ng PEP.ph si Faith sa homecoming presscon niya sa Victoria's Sports Tower sa Quezon City noong October 30.

FAITH WANTS TO WORK WITH GERALD ANDERSON

Minsan na palang sumubok si Faith sa show business.

Nagkaroon siya ng maliit na role sa pelikulang No Boyfriend Since Birth tampok ang reel-and-real-life sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong 2015.

"Yes, may mga extra-extra lang before, nagmo-model din ako," pag-amin ni Faith.

Kung sakaling bigyan ng pagkakataon, bukas daw siyang sumabak muli sa showbiz.

"Ako kasi, kung ano ibibigay sa akin ni God, go lang ako," aniya.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang maging leading man kung mabibigyan siya ng solo project, agad niyang binanggit ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Sabi ni Faith, "Gerald Anderson because I was the grand ambassador of Skechers before, si Gerald ang partner ko.

Continue reading below ↓

"He's also a triathlete. So if ever na magkakaroon kami ng movie or something, madali na siya maka-work kasi naka-work ko na siya before.

"Mabait siya and gusto ko yun na pareho kami ng mindset—very athletic. We share the same interest."

COVID-19 SCARE

Ibinahagi rin ni Faith na nagpositibo siya sa COVID-19 pagkauwi niya galing Turkey kunsaan ginanap ang Miss Aura International 2021.

Kaya umabot ng 15 days ang pagsailalim niya sa quarantine pag-uwi niya ng Pilipinas.

Lahad ni Faith sa PEP.ph: "Once kasi na galing ka sa ibang bansa, automatic na may five-day quaratine ka. Fourth day magpapa-swab ka, on the fifth day yung result.

"On the fifth day, lumabas yung result ko and nag-positive ako.

"Automatic on the next day, dadalhin ka sa quaratine facility under Bureau of Quarantine. Nag-stay ako for another ten days dun."

Ayon kay Faith, wala siyang anumang sintomas na naramdaman at naisip niyang baka false positive ang naging resulta ng kanyang RT-PCR test.

Continue reading below ↓

Pero minabuti pa rin niyang mag-ingat para umiwas na makahawa ng iba.

"Actually, nung nalaman ko pa lang yung result na nag-positive ako, sobrang hirap siya, very challenging siya, especially now kasi pandemic tayo.

"Talagang mental health talaga ang maaapektuhan sa iyo," kuwento niya.

Nagpapasalamat si Faith na ligtas siya at walang dinanas na matinding sintomas ng COVID-19.

"Parang mas naging tough ako, parang mas naging positive ako sa life na ibinigay sa akin ni God as a challenge para mas maging grateful ako.

"Every day is a new life. It's a new life na blessing sa akin ni God."

HOW FAITH SPENT HER $5,000 CASH PRIZE

Higit isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin makapaniwala si Faith na pinalad siyang manalo bilang Miss Aura International 2021.

"I'm very grateful and sobrang thankful kay God na after kong mag-join ng Binibini... I joined na Binibini twice, last ko na kasi ito kasi 28 na ako.

Continue reading below ↓

"Di ko in-expect na maa-appoint ako, makakapag-international pageant ako.

"So, sobrang blessing sa akin ni God ito. Sabi nga nila, it's really a twist of faith."

Bukod sa paghahanda niya para sa pageant, aminado si Faith na nakadagdag sa pressure ang hamon na makarating ng Turkey sa gitna ng pandemya.

Continue reading below ↓

"Para lang makapunta ng Turkey, talagang ang dami naming pinagdaanan.

"Nung nanalo ako, iyak ako nang iyak kasi parang nare-reminisce ko yung pinagdaanan ko na journey.

"Kaya sobrang grateful ko na ibinigay ito sa akin ni God."

Nang tanungin kung ano ang plano niya sa napanalunang cash prize na nagkakahalaga ng $5,000 (roughly PHP250,850), sinabi ni Faith na naubos na nila ito sa tickets na pagpunta at pauwi galing Turkey.

"Actually, yung cash prize, nagastos ko na siya kasi sobrang gastos ng journey ko. Sobrang gastos talaga sa pamasahe pa lang, di ko na sasabihin kung magkano pero sobrang gastos talaga.

"Yung cash prize ko, pinambayad lang namin ng pamasahe pabalik kasi ang mahal ng ticket papunta at pabalik ng Turkey. Yung mga excess baggage pa."

Simple lang daw ang reward ni Faith sa sarili.

Kuwento niya, "Pagkadating ko, bumili ako agad ng sinigang, yun lang ang happiness ko.

"Actually, yung team ko, sawang-sawa na sila, nagre-request sila sa akin palagi, 'Ano ang gusto mong kainin?' Sasabihin ko, 'Sinigang.' 'Huwag na iyan Faith, iba naman.'

Continue reading below ↓

"Sinigang talaga ang first kong kinain pagbalik ko dito sa Pilipinas."

Wala raw siyang materyal na bagay na binalak bilhin.

"Wala talaga, di ako materialistic na tao. Yun nga lang, happy na ako dun," ani Faith.

WHAT'S NEXT FOR FAITH

Bilang Miss Aura International 2021, balak ni Faith na ipagpatuloy ang mga nasimulang mga adbokasiya niya sa larangan ng sports, health, at agriculture.

"Mas ipu-push ko ang advocacies ko—to promote sports, to promote yung sa health ng dialysis patients natin, yung agricultural natin.

"Ipagpapatuloy ko pa rin yung advocacies ko. Like, next year, uuwi ako ng Olongapo and magbi-visit ako sa mga dialysis centers sa lugar namin.

"Siyempre, hindi ko kayang libutin ang buong Pilipinas. Mag-start muna ako sa hometown ko, and then magbibigay kami ng seeds.

"So, parang mata-tap ko na yung sa agriculture at sa dialysis."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia opens up about her non-showbiz boyfriend, wanting to work with Kapamilya actor Gerald Anderson, and her COVID-19 scare after winning the pageant in Turkey.
PHOTO/S: Rixos Sungate / Fotomafia via @f8garcia Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results