Miss Glamour Philippines Gianna Llanes hopes to fly out of Mexico soon after cancellation of grand coronation

by Arniel C. Serato
Nov 8, 2021
Miss Glamour Philippines Gianna Llanes
Miss Glamour Philippines Gianna Llanes: "Eto na po ang official kong announcement na wala na po talagang coronation night. Alam ko po na naghihintay kayo ng balita. Wag kayong mag-alala, ligtas po kaming anim."
PHOTO/S: Courtesy: @giannallanes on Instagram

Ikinalungkot ng anim na kandidata ng Miss Glamour International 2021 ang pagkaunsiyami ng coronation night ng pageant sa Oaxaca, Mexico, noong Sabado, November 6 (Linggo, November 7, sa Pilipinas).

Kabilang dito ang kandidata ng Pilipinas na si Gianna Margarita Llanes.

Sa isang deleted post sa Instagram Story, sinabi ni Gianna, “I’m not OK. We are not OK.”

Ikinaalarma ito ng pageant fans na nakabasa ng kanyang post.

Sa isang post sa kanyang Instagram Stories kagabi, November 7 (araw sa Pilipinas), nagpasalamat si Gianna sa mga taong nangungumusta sa kanyang kalagayan sa Mexico.

Sabi ng beauty queen, “Maraming salamat po sa lahat ng mga sumusuporta na Filipino pageant fans asking for updates. It’s 4 a.m. in Mexico and I have yet to get some sleep.

“I want to provide you with updates, but as I’ve mentioned, the girls and I want to provide our official statements at the same time. As of now, we are safe, but we are trying to decide what is the best thing to do for our well-being.”

Continue reading below ↓

Nais na rin daw makalabas ng Mexico si Gianna.

Aniya, “Sinusubukan ko na rin pong umalis dito sa madaling panahon.

“Pagkalabas ko ng bansa, doon na po ako makakasalita. Maraming salamat po.”

Miss Glamour International

“EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON”

Ngayong Lunes, November 8, nagbigay muli ng update si Gianna sa kanyang Instagram Story. Ibinahagi niya ang statement ng kapwa kandidata mula sa Canada na si Rita Houkayem.

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ito ng iba pang kandidata sa kanilang IG Stories.

Mababasa sa buong statement:

“Due to reasons out of our control, the coronation night did not take place.

“The delegates are safe and well and we had a beautiful experience exploring Oaxaca and its vibrant culture but the organization unfortunately deceived our national directors and us.

“We are so grateful for your support and love and we have come this far because of our generous sponsors, family, friends, and fans.

“Everything happens for a reason and God always has greater plans.

“Meeting you ladies was worth every moment and wouldn’t replace these memories for the world. Love you chicas.”

Miss Glamour International

Continue reading below ↓

Sa pinakahuling update ni Gianna, sinabi niyang wala nang magaganap na coronation night at lahat silang anim na kandidata ay ligtas at nasa maayos na kalagayan.

Saad niya: “Eto na po ang official kong announcement na wala na po talagang coronation night.

“Alam ko po na naghihintay kayo ng balita. Wag kayong mag-alala, ligtas po kaming anim.

“Inaalagaan po ako ng mga magulang ng isang kandidata dito.

“May mga miyembro rin ng mamamayan dito na tumutulong sakin tawagan ang Filipino at Canadian embassy dito sa Mexico.

“Ang Pilipinas ang may pinakamalaki na suporta sa pageant kaya importante sakin na ibahagi sa inyo kung ano ang nangyari pag-alis ko dito.

“Yung mga ibang kandidata ang magsasalita rin sa sarili nilang oras. Salamat sa lahat niyong positibong mensahe.”

Miss Glamour International

Continue reading below ↓

Wala pang inilalabas na pahayag ang Miss Glamour International Organization.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Glamour Philippines Gianna Llanes: "Eto na po ang official kong announcement na wala na po talagang coronation night. Alam ko po na naghihintay kayo ng balita. Wag kayong mag-alala, ligtas po kaming anim."
PHOTO/S: Courtesy: @giannallanes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results