Miss Universe Belgium 2021 reunites with biological father who left her in a foster home 15 years ago

by Bernie V. Franco
Nov 10, 2021
Miss Universe Belgium 2021 biological father
After 15 years, Miss Universe Belgium 2021 Kedist Deltour reunites with her biological father, who lives in Ethiopia. When Kedist was only nine years old, her father left her in a foster home in Ethiopia. A year later, Kedist was adopted by a Belgian couple.
PHOTO/S: @kedist_deltour on Instagram / Joeri Peeters

Naging madamdamin ang pagkikita ni Miss Universe Belgium 2021 Kedist Deltour at ng kanyang biological father sa Ethiopia, matapos ang labinlimang taong hindi pagkikita.

Si Kedist, 24, isang fashion model, ang representative ng Belgium sa Miss Universe 2021 pageant.

Siya ay elected ng Miss Belgium Committee.

Originally, taga-Ethiopia si Kedist, pero iniwan siya ng kanyang ama sa isang bahay ampunan sa Ethiopia makalipas ang isang taon mula nang pumanaw ang ina ni Kedist.

Siyam na taon lamang noon si Kedist nang dalhin siya sa ampunan.

Pagkalipas ng isang taon, si Kedist ay inampon ng Belgian couple at nanirahan na sila sa Belgium.

MISS BELGIUM 2021 REUNION WITH HER FATHER

Nito lamang November 5, kumalat sa pageant community ang madamdaming pagkikita ni Kedist at ng kanyang ama.

Sinadya ni Kedist na pumunta sa Ethiopia para hanapin ang kanyang biological father, na nakatira sa bayan ng Yaka.

Kedist Deltour and father

Continue reading below ↓

Makikita ang pagbuhos ng emosyon ng mag-ama nang magkita sila.

Sa video, mahigpit na yakap ang natanggap ni Kedist mula sa kanyang ama, na napaluhod pa sa lupa.

Ipinost din ni Kedist ang madamdaming pagkikita nilang mag-ama. May kurot sa puso ang caption ni Kedist.

Bigla raw naglaho ang bitbit niyang sama ng loob sa loob ng mahabang panahon nang magkita sila.

Caption ng Belgian beauty queen (published as is): “I spend much of my childhood wondering how it would be to finally meet my biological father. Imagining how I would react in the given moment.

“Would be sad? Happy?

“And after 15 years God blessed me with the opportunity to travel back to Ethiopia.

“Much to my surprise I couldn’t believe how overwhelmed I was with emotions when I finally met him.

“This is a day I will never forget.

“I got to experience a part of me that I kept for myself for so long.”

Continue reading below ↓

Nakuha rin ni Kedist ang sagot mula sa ama kung bakit siya pinaampon noon.

Sabi raw ng ama, mahirap lamang siya noon at hindi niya kayang pakainin ang anak. Nagtatrabaho raw noon ang ama bilang delivery boy.

Para naman kay Kedist, nag-iwan ng marka ang pag-iwan sa kanya ng ama.

Pero sa kanilang muling pagkikita, nawala ang galit sa puso ng model at beauty queen.

Pagtatapos ng post ni Kedist, “I have forgiven him for everything. My heart is at peace. I feel like a new person.”

Continue reading below ↓

Nakilala rin ni Kedist ang tatlo pa niyang kapatid sa ama na edad, 6, 10, at 13.

Naging posible ang trip ni Kedist sa tulong ng Miss Belgium Committee.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 15 years, Miss Universe Belgium 2021 Kedist Deltour reunites with her biological father, who lives in Ethiopia. When Kedist was only nine years old, her father left her in a foster home in Ethiopia. A year later, Kedist was adopted by a Belgian couple.
PHOTO/S: @kedist_deltour on Instagram / Joeri Peeters
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results