Former PBB teen housemate Criza Taa mourns passing of her Mama Wilma

by Nikko Tuazon
Nov 9, 2021
Criza Taa mourns passing of her Mama Wilma Obara
On Thursday, November 4, 2021, former PBB teen housemate Criza Taa revealed on Instagram that her beloved grandmother, Mama Wilma, has passed away.
PHOTO/S: @mscrizataa on Instagram

Labis ang kalungkutan ng Pinoy Big Brother: Otso teen housemate na si Criza Taa dahil sa pagpanaw ng kanyang lola na si Wilma Obara, na tinatawag din nitong Mama Wilma.

Sa isang Instagram post noong Huwebes, November 4, 2021, ibinahagi ni Criza sa kanyang Instagram followers na sumakabilang buhay na ang pinakamamahal niyang lola.

Kalakip nito ang litrato at video nilang dalawa.

Hindi nabanggit ng 17-year-old Kapamilya talent ang sanhi ng pagpanaw ni Mama Wilma.

Ang buong caption ng post ni Criza: "Today my biggest fear happened. I know you’re with God and you may rest now.

"I know you’re always with me and this is never a goodbye. Mahal na mahal kita mama, ‘Til we meet again..."

Continue reading below ↓

Sa panayam ni Criza sa Tonight With Boy Abunda noong December 2018, hindi nito napigilan ang maiyak nang tanungin ni Boy Abunda kung ano ang pinakakinatatakutan nito.

Sagot ni Criza, "Yung mawala si Mama, ayun lang. All my life, ayun lang talaga, yung mawala siya. Ayun yung kinakatakot ko. Mawala na ang lahat, huwag lang [siya].

"Siya yung buhay ko, pag wala siya hindi ko alam kung ano yung buhay ko ngayon."

Lumaki si Criza sa poder ng kanyang Mama Wilma simula nung siya ay isang taong gulang pa lamang.

Si Mama Wilma na ang tumayong nanay at tatay niya sa loob ng 16 taon. Hindi na nakilala ni Criza kung sino ang kanyang ama.

Ayon naman sa isang ulat ng ABS-CBN Entertainment, napilitan ang ina ni Criza na iwan ito kay Mama Wilma upang mabigyan ito ng mas maayos na buhay.

Continue reading below ↓

Matapos ang Pinoy Big Brother: Otso, pinasok ni Criza ang showbiz upang mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang Mama Wilma.

Nakilala si Criza sa mga karakter na ginampanan nito sa mga Kapamilya series na Kadenang Ginto (2019) at He's Into Her (2020).

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Thursday, November 4, 2021, former PBB teen housemate Criza Taa revealed on Instagram that her beloved grandmother, Mama Wilma, has passed away.
PHOTO/S: @mscrizataa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results