Vilma Santos on battling panic attacks: "It was an anxiety-ridden year."

by Melba R. Llanera
Nov 10, 2021
Vilma Santos
Batangas Sixth District Representative Vilma Santos on how she coped with her anxiety: "Wala na akong choice, I prayed, 'Lord, please help us, guide us.' Tapos work from home, kahit papaano naaliw ako... Dumating sila Lucky. Nakaka-positive ng outlook."
PHOTO/S: Vilma Santos YouTube

Matindi ang naging epekto ng pandemya para sa Star For All Seasons at congresswoman ng sixth district ng Batangas na si Vilma Santos-Recto.

Inatake siya ng panic attacks at nakaramdam ng kalungkutan dahil sa mga hindi magagandang pangyayaring dulot ng COVID-19.

Naniniwala si Vilma na walang naging eksempsyon sa iba-ibang hamong dala ng pandemya.

"For me, it was an anxiety-ridden year. Grabe ito!

"Paggising ko pa lang, negative na ako, 'What's going to happen today, who's going to die?'

"Really bad, naging malungkot ako."

Nakapanayam ni Bianca Gonzalez si Vilma sa Cinema News noong November 5, o dalawang araw makalipas ang 68th birthday ng multi-awarded actress.

Dito ibinahagi ni Vilma kung paano niya matagumpay na napaglabanan ang naranasang panic attacks.

Nabawasan daw ang kanyang anxiety nang makapiling niya ang anak na si Luis Manzano at asawa nitong si Jessy Mendiola.

Lucky ang palayaw ni Luis, anak ni Vilma sa ex-husband na si Edu Manzano.

Continue reading below ↓

"It wasn't easy, nagkaroon ako ng panic attacks. It was good, also, nag-stay for more than a month sila Jessy and Lucky sa bahay...

"Malaking tulong para sa akin para maka-cope up sa anxiety na dinaranas ko. At the same time, family, bonding na rin," saad ni Vilma.

Idinaan daw ni Vilma sa pagdarasal na tuluyan niyang malampasan ang epekto ng pandemya sa kanyang mental health.

Lahad pa ng kongresista: "Wala na akong choice, I prayed, 'Lord, please help us, guide us.'

"Tapos work from home, kahit papaano naaliw ako. Nag-monitor ako sa Lipa, lahat ng nangyayari, naging virtual.

"I prayed, exercised... Dumating sila Lucky. Nakaka-positive ng outlook.

"Tapos kapag gabi, malungkot ka na naman. So I prayed and, little by little, nakabawi."

ON VLOGGING

Sa ngayon ay napapanood na ang vlogs ni Vilma sa YouTube.

Sina Luis at Jessy ang nagturo kay Vilma na mag-vlog para bukod sa may mapaglibangan siya ay nagkaroon siya ng komunikasyon sa kanyang fans.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Vilma: "Nakadagdag sa akin ng excitement, nakatanggal ng stress kahit paano when they were here.

"In-invite nila ako sa vlog nila, in-enjoy ko naman.

"First time kong ma-experience na mag-live with Lucky sa Facebook. Then, may mga nakakausap ako, nagtatanong ng mga questions.

"Bumalik, may proper communication sa mga tao sa labas. Nagkaroon ako ng bagong excitement."

Siya raw ang mismong nag-request sa mag-asawa na gawan siya ng sariling YouTube channel.

"Sabi ko, 'Anak, tulungan mo naman ako. Can I have my own?'

"Di ako techie. Ginawan nila ako ng sariling channel. Now, may sarili na akong vlog, may channel na ako sa YouTube."

VILMA DREAMS OF BECOMING A MOVIE DIRECTOR

Marami ang nanghihinayang na pagkalipas ng mahigit dalawang dekada bilang public servant ay pinili ni Vilma na mamahinga muna sa mundo ng pulitika.

Pero ito rin ang pagkakataon ng aktres na gumawa ng pelikula o subukan ang pagdidirek na matagal na niyang pangarap.

Continue reading below ↓

"Ngayon, I'm looking forward to do a movie again or maybe direct a movie.

"Dream ko yun pag napagod na akong gumawa ng pelikula. Gusto ko naman mag-direct ng movie gaya ng mga movie ni Direk Marilou Diaz-Abaya, feminist, or Direk Laurice Guillen.

"Naisantabi ang gusto ko na maging director, but maybe ngayon or maybe next year.

"I'm taking a backseat sa politics this year, baka ngayon may maidirek ako na movie."

Ayon sa Star For All Seasons, may konsepto na siya ng klase ng pelikulang gusto niyang idirek.

"I have something in mind, I just want to do a movie na nangyari ng 24 hours.

"Dream ko lang, ang ganda sa simula, grandiose, but within 24 hours something happened.

"Pagdating sa ending, mga mukhang basura na hitsura because of what happened in 24 hours. Dun ako nae-excite."

VILMA ON WORKING WITH NEW BREED OF STARS

Sa napakarami nang nagawa niyang roles, na halos karamihan ay nagbigay sa kanya ng awards, may isang role pang gustong gampanan ang aktres.

Continue reading below ↓

"Any challenging role, maybe isang Muslim. Gusto kong gumanap na babaeng Muslim, 'yan ang gusto kong gawin ngayon.

"A woman, a mother. Maraming challenges sa buhay, sa prinsipyo niya.

"Kung mayroon man ang gusto kong makasama [gusto ko] mga newcomers, new breed of stars, mga bagets, ang gagaling nila.

"Magbibigay ng excitement yun para gawin ko," saad ni Vilma.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas Sixth District Representative Vilma Santos on how she coped with her anxiety: "Wala na akong choice, I prayed, 'Lord, please help us, guide us.' Tapos work from home, kahit papaano naaliw ako... Dumating sila Lucky. Nakaka-positive ng outlook."
PHOTO/S: Vilma Santos YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results