Missing teenager sa U.S., nasaklolohan gamit ang signal for help na napanood sa TikTok

by Bernie V. Franco
Nov 10, 2021
TikTok Hand Signal for help
This hand signal has been initiated by the Canadian Women's foundation this pandemic. As a signal for help or distress signal from women due to violence at home. It is done by flashing the palm to the camera tucking the thumb to the palm and then wrapping the other fingers over the thumb.
PHOTO/S: Canadian Women's Foundation

Nasaklolohan ang nawawalang 16 anyos na dalaga mula North Carolina sa States matapos niyang gawin ang hand signal for help sa isang motorista.

Ang hand signal na ito ay naging popular sa TikTok na pagsenyas ng paghingi ng saklolo.

Katunayan, may mga TikTok videos na situational, kung paano gamitin ang hand signal.

Ang dalagang nailigtas ay mula sa Asheville, North Carolina.

Siya ay ni-report na kanyang mga magulang nawawala noong November 2, 2021 (U.S. time), ayon sa Laurel County Sheriff, Kentucky.

Ayon sa ulat ng CNN, isang motorista mula sa Kentucky ang tumawag sa 911 noong Huwebes, November 4, “to report seeing a girl in distress in a vehicle.”

Ayon sa statement ng Laurel County Sheriff's Office noong Biyernes, November 5, "The complainant was behind the vehicle and noticed a female passenger in the vehicle making hand gestures that are known on the social media platform 'TikTok' to represent violence at home—I need help—domestic violence."

Continue reading below ↓

Sa pahayag ng pulisya sa local news network doon, natutunan umano ng teenager ang hand gesture mula sa TikTok.

Nagkataon namang na-recognize ng motorista ang hand signal.

TikTok hand signal

Patuloy na sinundan ng motorista ang sinasakyang kotse ng dalaga sa sumunod na 11 kilometro, habang kausap ang 911 officer.

Continue reading below ↓

Di nagtagal, natunton ito ng mga pulis at pinahinto ang sasakyan at nailigtas ang dalaga.

Base sa report, dinala ng suspect ang teenager mula North Carolina papuntang Ohio, at pinuntahan ang mga kamag-anak ng suspek.

Umalis sila agad ng Ohio nang malamang menor de edad ang teenager, na napaulat na nawawala.

Sa ulat ng pulisya, ginagawa ng dalaga ang hand signal sa iba pang motorista mula pa nang umalis sila sa Ohio, sa pag-asang may makakaunawa sa hand gesture.

Samantala, inaresto ang suspek at kinasuhan siya ng “unlawful imprisonment and possession of a matter of sex performance by a minor.”

Sa ulat ng New York Times, kinilala ang suspek bilang si James Herbert Brick, 61, mula sa Cherokee, North Carolina.

Nakita rin umano sa mobile phone ng suspek ang “pornographic images of a child.”

Ayon sa pulisya, ang teenager at suspek ay “acquaintances,” pero hindi magkamag-anak.

Kuwento ng mga imbestigador, inakala ng suspek na kumakaway lamang ang teenager sa ibang motorista at hindi nito alam ang hand signal.

Continue reading below ↓

Samantala, ang hand signal ay nilikha ng Canadian Women’s Foundation at sinimulang i-promote ng Women's Funding Network mula pa noong April 2020.

Nagsimula ito nito lamang pandemya bilang signal for help ng mga babaeng nasa abusive relationships, na maaari nilang gamitin sa video calls at senyas sa ibang tao.

Ang hand signal ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng palad, pagkatapos ay ididikit ang hinlalaki sa gitna ng palad at tatakpan ito ng apat na iba pang daliri.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This hand signal has been initiated by the Canadian Women's foundation this pandemic. As a signal for help or distress signal from women due to violence at home. It is done by flashing the palm to the camera tucking the thumb to the palm and then wrapping the other fingers over the thumb.
PHOTO/S: Canadian Women's Foundation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results