Netizens ask: are John Lloyd Cruz, artist Isabel Santos an item? 

Nov 10, 2021
John Lloyd Cruz with rumored girlfriend Isabel Santos
Fans can't help but notice that artist Isabel Santos (right) seemed to have posted an Instagram Story of John Lloyd Cruz (left) with her two beloved pet dogs. Is he also the mystery guy seen in some of her Instagram posts?
PHOTO/S: @somethingstarwars Instagram

May espesyal na ugnayan ba si John Lloyd Cruz sa artist na si Isabel Santos?

Ito ang tanong ng ilang masugid na mga tagasubaybay ni John Lloyd na nakapansin ng pagiging malapit nila ni Isabel sa isa't isa.

Noong November 8, isang fan account ang nag-repost ng litrato ni John Lloyd na sinasabing mula sa Instagram Story ni Isabel.

Kasama ni John Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang puting aso na tugma sa mga alagang aso ni Isabel na sina Noah at Benny.

Nilagyan pa ito ng fan ng caption na "flexing" at lovestruck emoji.

Dahil dito ay napatanong ang iba pang fans ni John Lloyd kung sila ba ni Isabel.

John Lloyd Cruz with Isabel Santos dogs

Continue reading below ↓

IS JOHN LLOYD IN ISABEL'S IG POSTS?

Bandang September unang napansin ng netizens na may ibinahagi si Isabel na litratong tingin nila ay si John Lloyd.

Sa Instagram post ni Isabel noong September 9, makikita ang isang lalaking nakatalikod na naglalakad sa hardin at tila papasok ng bahay.

Kasunod niya ang dalawang aso.

Hindi sinabi ni Isabel kung sino ang mystery guy sa litrato liban sa caption na tatlong peaches na emojis.

Isabel Roxas at John Lloyd Cruz house

Continue reading below ↓

Tila may pagkakahawig ang structure ng bahay sa picture ni Isabel at sa bahay ni John Lloyd sa Antipolo.

John Lloyd Cruz house

Noong October 7, may isa pang ipinost sa Instagram si Isabel na picture ng lalaking nakatalikod na hinihinala pa ring si John Lloyd.

John Lloyd Cruz beach

Continue reading below ↓

Mukhang nakabisita na rin si Isabel sa rest house ni John Lloyd sa Batangas.

Nitong November 8, may post uli si Isabel ng isang lalaking nakatalikod na nilalakad ang isang aso sa beach.

John Lloyd Cruz at Batangas beach

May iba ring litrato si Isabel ng dalawa niyang alagang aso na nagtatampisaw sa isang pool.

Isabel Santos dogs

Continue reading below ↓

Ang pool na iyon ay tila kahawig ng swimming pool sa rest house ni John Lloyd sa Batangas, base sa mga kumalat na litrato nang mag-birthday ang aktor at ang anak niyang si Elias noong Hunyo.

John Lloyd Cruz rest house Batangas

ISABEL'S PAINTING ON JOHN LLOYD'S IG

Kung anu't ano man, malinaw na magkakilala sina John Lloyd at Isabel dahil sa art scene.

Continue reading below ↓

Noong June 13, ipinost ni John Lloyd sa kanyang official Instagram account ang litrato ng painting na gawa ni Isabel at ng ina nitong si Mona.

Sa comments section, may netizen na napakomento tungkol sa tingin niya ay espesyal na ugnayan nina John Lloyd at Isabel.

John Lloyd Cruz shows painting by Isabel and Mona Santos

Nagkasama na rin sina John Lloyd at Isabel sa isang art exhibit ng grupo ng artists sa Underground Gallery sa Makati Cinema Square noong October 2017.

Continue reading below ↓

On record, iyon ang unang pagkakataong ipinakita ni John Lloyd ang mga kuha niyang litrato para sa isang exhibit.

WHO IS ISABEL SANTOS?

Ang mga magulang ni Isabel na sina Soler at Mona Santos ay mga respetadong contemporary Filipino artists.

Si Soler ay anak ng yumaong award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.

Sa ulat ng Preview noong 2019, nakasaad na nakapag-exhibit na si Isabel ng kanyang art pieces sa New York, Germany, at France.

Nanalo siya ng grand prize sa isang global shirt design competition na may temang "Draw Your World" at ka-partner ng brand ng shirt na iyon ang The Museum of Modern Art (MOMA) sa New York.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans can't help but notice that artist Isabel Santos (right) seemed to have posted an Instagram Story of John Lloyd Cruz (left) with her two beloved pet dogs. Is he also the mystery guy seen in some of her Instagram posts?
PHOTO/S: @somethingstarwars Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results