Rep. Claudine Bautista on cyberlibel complaint against Enchong Dee: "We trust the court will resolve this."

by Arniel C. Serato
Nov 12, 2021
Representative Claudine Bautista cyber libel case against Enchong Dee
Representative Claudine Bautista says that she filed a cyberlibel complaint against actor Enchong Dee because he made the comment that her wedding was grand in a time of a pandemic. The two are on opposite sides of the political spectrum: she is pro-Duterte; he is anti-Duterte.
PHOTO/S: Courtesy: Rep. Claudine Bautista on Facebook / @mr_enchongdee on Instagram

Naglabas ng official statement si Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista-Lim kaugnay sa lumabas na report tungkol sa pagsasampa niya ng reklamong cyber libel at paghingi ng nakakalulang P1 bilyong danyos laban sa aktor na si Enchong Dee.

Si Bautista ang kinatawan ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights, o DUMPER, sa Kongreso.

Ang reklamong cyber libel ni Bautista ay nag-ugat sa diumano'y mapanirang salita na binitiwan ni Enchong sa sinasabing magarbong wedding ng mambabatas sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim sa Balesin Island Club Resort sa Polilio, Quezon, noong July 28, 2021.

Sa kanyang statement ngayong araw, November 12, ay hindi direktang pinangalanan ni Bautista si Enchong at ang female netizen na damay rin sa isinampa niyang reklamo. Tinukoy niya ang dalawa bilang “certain personalities.”

Ayon sa mambabatas, ang mister niya at pamilya nito ang nagpumilit na sampahan ng reklamo si Enchong.

Labis daw kasing naapektuhan ang kanilang pamilya na kilalang mga negosyante sa Mindanao.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa kanya, tahimik nilang isinampa ang reklamo at hindi nila ito ipinaalam sa media. Nagulat daw sila kung bakit ito lumabas kahapon, November 11.

Sabi ni Bautista, “On news reports regarding my filing of a cyber libel complaint against certain personalities, I would like to clarify that any legal action coming from us was instituted back in August of this year, upon my husband’s insistence and in response to the malicious allegations made against me at that time.

“While I would have preferred to be silent about this matter, my husband, like any good and loving family man, took it upon himself to seek redress from the legal system, to protect me and our family from baseless and damaging claims made against us.”

“FAIR AND JUDICIOUS MANNER”

Bukod sa nadungisan umanong pangalan at negosyo ng kani-kanilang pamilya, malaki raw ang naging epekto ng mga binitawang salita ni Enchong laban kay Bautista.

Continue reading below ↓

Sa kanyang isinampang reklamo, sinabi ni Bautista na "defamatory" at "malicious" ang akusasyon ni Enchong at ng netizen laban sa kanya.

Labis daw niya itong dinamdam na nakaapekto sa kanyang kalusugan, partikular na ang kanyang pagbubuntis.

Dagdag pa sa pahayag, “Despite initial reservations, he and his lawyers chose to pursue the case, not just because he and his family — who value their privacy and are focused on their businesses — were unfairly dragged into the whole issue, but also, or more so, because he saw the heavy toll that the attacks took on my health, particularly on my sensitive pregnancy.

“The anxiety, anguish, humiliation and the impact on my and my family’s reputation left us no choice but to file cases against those responsible for causing us so much grief and worry, which almost led to me losing our baby, and which adversely affected some of our constituents’ trust in us.

Continue reading below ↓

“As we have the utmost respect for our legal system, we filed the case in August without fanfare.

“We are not aware of how the media learned about the case and why it was published in the news recently.

“However, despite this we trust the court will resolve this in the fair and judicious manner.

“On my end, while I am already eight months into my pregnancy, I will continue to devote my time serving my constituents better.

“Para sa akin, ngayong panahon ng COVID-19, mas mabuti pang pagtuunan natin ng pansin ang pagtulong sa ating kapwa.”

Continue reading below ↓

Si Claudine ay anak ni incumbent Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Ang Derelicto clan ng kanyang inang si Genelyn Derelicto Bautista ay may pag-aaring "farm land" at "numerous businesses" sa probinsiya at sa Davao City.

Ang pamilya ng mister niya ay nagmamay-ari naman ng chain ng kilalang brand ng car dealerships sa siyam na lugar sa Mindanao bukod sa real estate business.

Kilalang Duterte government supporter si Representative Bautista. Isa siya sa mga kongresistang bumoto upang tuluyang patayin ang appeal for franchise renewal ng dating giant network na ABS-CBN.

Kilala namang Duterte government critic is Enchong Dee, na talent ng Kapamilya network.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ni Enchong at ng iba pang personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Representative Claudine Bautista says that she filed a cyberlibel complaint against actor Enchong Dee because he made the comment that her wedding was grand in a time of a pandemic. The two are on opposite sides of the political spectrum: she is pro-Duterte; he is anti-Duterte.
PHOTO/S: Courtesy: Rep. Claudine Bautista on Facebook / @mr_enchongdee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results